Hindi lang mga kaklase namen ang hindi nakaligtas sa pagbibinyag at pagpapangalanan naming sa kahawig nilang celebrities. Si Mrs. Valenzuela na teacher namen noon sa 3rd year sa Araling Panlipunan ay napansin ko at ng kaibigan ko na hawig siya ni Cristy Fermin. Kaya naman sa tuwing matatapos siyang baitiin ng buong klase bago magsimula ang klase niya ay sabay kaming kumakanta nang pabulong ng kaibigan ko ng theme song ng Cristy Per Minute.
Oras naman ng P.E. class noon at sa labas ang klase kay Mr. Pucan, gaya ng kinagawian magku-kwento lang pala siya, anupa’t naka jogging pants at rubber shoes ang lahat. Napansin ko at ng best friend ko ang ilong ni Mr. Pucan, may maliit na bagay na nakalambitin sa butas ng ilong niya. Lumapit pa kami ng konti at kunwari’y interesado sa pinagsasabi niya para makita ng malapitan. Kulangot pala. Hindi namin mapigilan na tumawa habang pinagmamasdan ang mukha niya. Napansin kami ni Mr. Pucan at sabay tanong “Bakit kayo nagtatawanan, may dumi ba sa mukha ko?”. Hindi na kami umimik pero sa loob loob namen tawa kami ng tawa.
Halos iisa ang mukha ng katabi namen sa upuan mula sa unang taon hanggang sa ika-apat na taon. Higit sa barkasa ang nabuo sa apat na taon na iyon. Tulong tulong kami na parang iisang pamilya. At ito’y hindi maikakaila lalo na sa oras ng pagsusulit kung saan may mga nagigipit na kaklase. Sa klase ng Math iyon madalas. Kahit sabihin pang nasa cream section kami ay ganun talaga ang buhay. Sa Math hindi uso ang kodigo kaya naman lantarang pangongopya ang madalas gawin. Pero kung ang teacher ay katulad ni Mrs. Zaballero hindi pwede ang lantarang pangongopya dahil maski pagkurap mo’t pagkambyo nakikita niya. Sa sobrang suwerte ng batch namen ay dalawang beses naming siyang naging teacher sa Math. Kaya naman sa pagsusulit sa kanya ganito ang aming ginagawa: ang isa sa amen na magaling sa Math at maraming sagot ay gagawa ng pangalawang kopya ng kanyang sagot sa isang papel, tatayo siya at itatapon yon sa basurahan. Tatayo ang isa, pupunta sa basurahan at kukunin ang papel, pagkatapos niya itatapon niya ulet at iba naman ang dadampot.
Siguro nagtataka kayo at kabisado ko pa ren ang bawat pangalan ng naging guro namen. Hindi naman. Tulad ng teacher namen sa Physics nung 4th year ay limot ko na. Paano ba naman sa tuwing babatiin siya ng good morning Miss _____ ay kaming nasa likuran nakaupo ay iba’t ibang pangalan ang sinasabi naming sa araw araw.
1 comment:
hi, you may also want to follow our page at www.home-imshs.blogspot.com pls also invite your Ismaelian friends to join. Open for feedback. thanks..
Post a Comment