Sa isang pampublikong mataas na paaralan iikot, magtatapos at magsisimula ang ginuhit ng tadhana ng buhay hayskul ng tagapagsalaysay at lahat ng taong nadamay sa kwentong ito.
“Wan word is enap por a waysman” – eto ang madalas sabihin sa amen ng 2nd year P.E. teacher namen na si Mr. Pucan. Pero huwag ka, siya ay madaldal at makwento, huwag ka lang magkakamali sa pagbanggit ng pangalan niya at magkakasundo kayo. Naubos na nga ang isang oras sa klase nya wala pa syang nadi-discuss sa lecture nya hanggangs abutan siya ng pagtunog ng bell “O, class tandaan nyo wan word is enap por a…” “Waysmen!!!” dugtong namen.
Ganito talaga ang estudyanteng nakikinig ng maigi sa kanilang mga guro na pati mga pagkakamali nila e natatanim sa utak mo at matatawa ka na lang pag naalala mo.
Hindi lahat ng guro ay gusto namen. Galit kami sa mabababa magbigay ng grado at walang kakonsi-konsidirasyon. Si Mrs. Katon, 1st year Science teacher namen. Hugis turumpo siya, kaya malayo pa lang natatanaw na siya mula sa hallway ng building namen habang kami’y nagkakasiyahan. “Andyan na si Skyclone” sigaw ng isa sa amen. Palibhasa puro isip bata pa noon kaya kung anong pangalan ng kontrabida sa mga cartoons sa telebisyon ay pinapangalan namen sa mga gurong ayaw namen. “Andyan na si Skyclone”. Magpapasukan na kami at isasara namen ang pinto namen na walang doorknob. Halos limang minuto siyang nakatayo sa pinto at pilit na binubuksan yon, lahat naman kami tahimik kunwari. Wala kang makikitang bahid ng ngiti sa mukha ni Mrs. Katon para bang galit lagi sa mundo. Wala rin syang masyadong make up kundi lipstick lang at naka stockings na butas. Mahilig siyang magbigay ng pagsusulit na wala naman sa ni-lecture nya ung sagot. Kaya lahat kami halos walang maisagot. Isang araw may mahabang pagsusulit kami sa Araling Panlipunan pagkatapos ng kay Skyclone. Lahat kami ay di nakapag-aral. Hindi ako mapakali sa upuan ko dahil di ko alam kung saan ko ilalagay ang kodigo na naihanda ko para sa pagsusulit. Sa kalikutan ko natabig ko yung medicine box na project ko sa subject na Health. Nabasag yung amonya at nagsilbing teargas ito at dahilan upang maglabasan sa classroom ang buong klase. Nawalan tuloy ng klase kay Skyclone at maging sa sumunod na klase na Araling Panlipunan. Dahil don nailigtas ko ang buong klase sa pagsusulit at instant hero kagad ako. Sa tuwing may pagsusulit at hindi ako nakapag aral ganon lagi ang pinaplano kong gawin.
Asaran at tuksuhan ang karaniwang libangan naming noong highschool. Ang pikon talo! Pansinin at tapunan ng makamundong panlalait ang mga kaklase naming kakaiba ang itsura – may mahaba ang baba, may kulang sa height, may malaki butas ng ilong, may beluga, may malaki mata. Pero ang higit sa kanilang lahat ay si Diego. Medyo chubby ang labi niya na siyang kinahawig niya kay Diego ng Bubble Gang kaya yun na ren ang tawag namen sa kanya. Inaamin ko naman na ako ang numero unong mapanglait sa klase namen at si Diego madalas ang biktima ko. Minsan pumunta ang buong klase sa Araneta Coliseum para umatend ng mass doon. Oras ng komunyon pumila ang iba namen mga kaklase at ang iba nanatili kasama ko. Pinanood namen ang mga nakapila. Kahit malayo ay tanaw namen dahil nasa bandang itaas kami. Nang si Diego na ang nasa harap ng pari, sinabi ko sa katabi ko “Oy si Diego na!” Lahat kami ay tahimik na nakamasid ng maigi habang sinusubo sa kanya ang ostsa. Bigla kami natawa. Imbes na sa dila mailagay ay sa labi napunta at muntik pang malaglag.
No comments:
Post a Comment