Friday, May 29, 2009

MS YM

Mahilig ka bang magchat to the max habang nasa work? Ung bang feeling na sinusuwelduhan ka para lang magchat? E sino bang adik e halos naman lahat tayo ganyan. Pero lahat den tayo takot na mahuli ni bossing at sure baka goodbye work ka na forever. Kaya naman may naimbento ako na tiyak makaka-solve sa problema ng lahat. Ang bagong Yahoo! Messenger Microsoft Word Version.

Ito ang Yahoo! Messenger na ang environment ay fully Microsoft Word at tiyak maloloko nyo ang bosing nyo na aakalain nyang subsob kayo sa work pero un pala ay subsob kayo sa ka chatmate nyo. Lahat ng features ng YM ay fully functional at talagang hassle free sa pag gamit. Para ka lang nagta-type ng memo o letter sa MS WORD. Sa lahat ng gustong subukan ang version na ito, PM nyo lang ako sa YM ko.

No comments: