Monday, May 5, 2008

Masarap Kumanta

May nagawa akong kanta noong pinasikat ko yung Ang Dating Noon sa school namen nung 2nd year highschool ako. May talent na pala ako noon. Lol

MASARAP KUMANTA
(Sa tono ng Leaving on a Jet Plane)

Pasakalye:
Aaaaahhh
Aaaaaaaahhh

I
Narito kami para magpatawa
Wag ninyo sana
Kaming deadmahin
Kami’y original made in New York (Cubao)

II
Sa bawat tanong, may kasagutan
Sa bawat sagot, may kasulatan
Kasulatang makakabago
Sa buhay ninyo (Hymen!)

Koro:
Kaya halina sumama na
Dito sa grupong nakakatawa
At hindi doon sa dating corny na
Kaya kami ang dating noon
Sa pagpapatawa kayo’y mapapraning
Mga banal ay Mabubungal

III
Sa bawat talatang binabasa ko
Siguradong matatawa kayo
Garantisado lolobo pa
Ang uhog ninyo

IV
Buhok sa kilikili mamumuti
Buhok sa ilong mas lalago
At ang buhok ninyo sa baba
Mas hahaba (Hymen!)

(ulitin ang koro)

V
Maraming beses nanaming kayong napatawa
Mula Apari to Jolo nakiki hymen na
Ano pang hinihintay
Magpabinyag kana

VI
Kung wala kayo wala rin kami
Kung wala kami nariyan parin kayo
Kung iisipan kayong dahilan
Kung bakit may album kami

(ulitin ang koro)

Koda:
Kaya kami ang dating noon

No comments: