Sunday, May 25, 2008

Ginagamit Ko 'Yung Kutsara

May batang businessman na nagtayo ng kanyang company. Nagrenta siya ng office sa isang malaking building sa Makati.
Isang umaga, may nakita siyang lalaking papasok sa office. Naisip niyang customer ito. Para makita ng 'customer' na busy ang company, kinuha agad niya ang telephone at ngakunwari na may kausap at may malaking deal na nagaganap. Makalipas ang ang 5 minuto, ibinababa na rin niya ang phone.
"Goodmorning Sir. Can I help you?" tanong niya sa lalaki.
Lalaki: Ah, nandito po ako para mag-activate ng phone lines ng office ninyo!

Nagpunta si Pablo sa isang class na restaurant. Nang paupo na siya sa kanyang silya, aksidente niyang nasiko ang kutsara sa mesa. Dumating kaagad ang waiter at pinalitan ang kutsara na galing sa kanyang bulsa. Bilib na bilib si Pablo at itinanong sa waiter, "Lahat ba kayong waiter dito may reserbang kutsara sa bulsa?" Sagot ng waiter, "Para po di masayang ang oras namin sa pabalik-balik, ginagawa po namin ang karapat dapat."
Bilib na bilib talaga si Pablo sa bilis ng serbisyo ng mga waiter. Nang paalis na siya at magbabayad ng kanyang kinain, napansin niyang may nakalawit na tali sa zipper sa lahat ng mga waiter at agad niyang tinanong a ng isa sa mga ito, "Curious lang ako kung bakit may tali kayong lahat sa mga zipper n'yo?"
Sagot ng waiter, "Kasi po nakatali ang mga ari namin... kaya pag nagpunta kami sa banyo at umihi, ginagamit na lang namin ang tali para ilabas ang ari namin. Makakatipid kami ng oras sa paghuhugas ng kamay!"
Nabigla si Pablo at nagtanong muli, "Paano ninyo ibinabalik ang ari ninyo pagkatapos ninyong umihi?"
Sagot ng waiter, "Ewan ko sa ibang waiter, pero ako, ginagamit ko 'yung kutsara!"

No comments: