Mula sa nakatago at nakabaong mga sulat, loveletters at kung anu ano pang nag papaalala sa aking ng aking first love noon, eto ang isa sa mga obra na nagawa ko para sa kanya... ang best friend ko na minahal ko na naging gf ko na naging ex ko na nagpakasal na may anak na ngayon. Sana mabasa ito ni Nap hehehe. Lol.
May isang pintuan, kumatok ako at pinatuloy naman ako. Matagal ko na itong nadadaanan at araw araw na nakikita. Naiiba ito sa lahat ng pinto na nadaanan ko na. Hindi naman lahat ng pintuan na nadaanan ko kumatok ako. Alam ko namang hindi nila ako papatuluyin. Ung ibang pinto naman nakabukas lang pero hindi man lang sumagi sa isip ko na pumasok.
Itong sinasabi kong pinto, napakaganda, malinis, makulay at may buhay. Talagang naiiba sa lahat ng pintuan. Makintab ang doorknob at may doormat pa sa harapan. Maraming taong naghihintay sa labas ng pintuang iyon. Lahat sila kumakatok pero nakasara ito at hindi man lang sila pinagbubuksan. Lumapit ako at ako naman ang kumatok, mga isang beses lang. Inapak ko na ang sapatos ko sa doormat. Malinis naman ang sapatos ko kaya pinapasok naman niya kaagad ako. Alam kong ako pa lang ang nakapasok sa pintuang yun, Ganun din naman ako unang beses pa lang. Alam ko rin na pinag-isipan nya rin kung karapat dapat ba akong pumasok. Baka kasi marumihan ko lang ang loob ng pintuan na iyon.
Masaya sa loob. Nagkaroon ng kulay ang buhay kko sa loob ng pinto. Masaya kaming dalawa. Sabi ko sa sarili ko, di na ako lalabas ng pintuang ito.
Minsan nasa tabi ako ng pinto. Kinakatok ko lagi ung pinto kahit nasa loob na ako. Para akong tanga, nasa loob na kumakatok pa rin. Tinatanong ko lagi siya kung bakit nya ba ako pinatuloy. Hingi nagtagal, dumating ang oras na kinakatakot ko. Nasira ko ang pinto sa kakakatok ko. Madami pang bagay ang nasira ko sa loob. Sinabi nya na lumabas muna ako. Umuulan ng lumabas ako. Pero wala na akong magagawa. Sinunod ko na lang siya, kahit labag sa loob ko at napakasakit. Kasalanan ko naman kasi. Nagsisi ako.
Tinignan ko kung naka lock ba ang doorknob, pero naka bukas pa rin ito. Naka sara lang ang pinto pero hindi naka lock. Gusto kong bumalik sa loob pero mas maganda siguro na siya ang magbubukas ng pinto kaysa ako. Sana alam niyang nasa labas lang ako ng pintuan. Dito na lang ako muna sa labas, maghihintay at umaasa na pagbuksan muli, kahit matagalan pa. Parami ng parami ang tao dito sa labas mas marami kaysa dati. Iba ibang tao na, yung iba napaka dumi ng sapatos, yung iba mukhang magnanakaw. Sabi ko sa sarili ko mas mabuti na di muna ako umalis sa harap ng pintuan kahit paano mabantayan ko ung pintuan. Pero kung sakaling dumating na ung isang taong karapat dapat magbibigay ako ng daan. Aalis na ako sa oras na iyon. Palayo sa pintuan na yon. Malamig sa labas at palaging umuulan. Maraming ibang pinto akong nakikita, marami rin ang gustong magpapasok. Di bale na lang kundi rin naman yung pintuang iyon, huwag na lang.

No comments:
Post a Comment