Natanong mo na ba sa sarili mo kung iniluwal ka nga bang normal ng nanay mo? Hindi naman dahil mukha kang abnoy at katawa tawa ang itsura mo kundi sa mga kinikilos mong mala out of this world, kaya naman naiiwang malaking palaisipan sa’yo ang tanong na -norma ba ako? Eto ang tseklist ng mga kilos na tyak ginawa nyo o try nyo gawin isang araw, pero gawain ng normal na tao:
Sa mga nabanggit ko.. tiyak isa don eh gustong gusto mong gawin hindi ba? Huwag kang mag alala at hindi ka nag iisa. Hehehe. Lol.
- Nanghinayang ka bang pitikin o itapon yung nakuha mong kulangot sa ilong mo dahil sa sobrang laki at may buhok pang kasama? Kulang na lang eh ipalagay mo ito sa vault ng Ripley’s Believe It Or Not sa sobra mong panghihinayang itapon ito.
- Paulit ulit kang umuutot dahil sa una mong utot eh kinulob mo ito sa palad mo at inamoy pabalik sa ilong at nasabi mo sa sarili mo na enjoy kang amuyin ang mala imburnnal mong utot at tinalo mo pa ang Langhap Sarap Jollibee Ad.
- Isa pang nakakapanghinayang na gawin eh ung i-flush mo ung ebak mo na ang haba haba at ang laki laki.
- Adik adik ka sa kakaamoy sa paa mo matapos mong tanggalin ang medyas mo. Kaya mo itong gawin pero hindi sa paa ng may paa.
- Nabugnot ka dahil nakawala sa hintuturo mo ung kulangot na pagkalaki laki na namimilipit ka pa sa kakasungkit dito. Ang isang way na gawin mo dito ay suminga ng malakas at kapag tumalsik palabas ang misteryosong kulangot mo e search and rescue pa ang gagawin mo dito at kung game ka talaga eh dadamputin mo pa ito at bibilugin sa palad mo.
- Ang pangalawang way eh kunin thru dila at ilabas sa bibig.
- Isa pa sa mga kulangot series eh ung pag hati mo dito sa gitna o sa maraming pieces (hanggat maari, depende sa laki) at isa isa among pitikin.
- Minsang may plema ka malapit sa nostril mo at sa pagkuha mo thru lalamunan eh me sumamang kulangot at kung siniswerte ka pa eh me tutsang kasama na hirap ka pang kunin sa dila mo at nalasahan mong maalat alat pala ang kulangot.
- Natinga ka at nginuya mo at nilunok ang tinga mo. Pagnguya sa plema sa kadahilanang hindi mo alam.
Sa mga nabanggit ko.. tiyak isa don eh gustong gusto mong gawin hindi ba? Huwag kang mag alala at hindi ka nag iisa. Hehehe. Lol.
1 comment:
Ayos ka bossing! nyiahahaha! boboto kita!
Post a Comment