Thursday, April 17, 2008

First Time

Goodbye sa lahat! Oops jokes lang balik kayo - balik!My name is Josh M. (don’t ask me what M stands for-or someone will die laughing). I am Kerk’s bestfriend (unfortunately-for him) and I will be the new addition to this blog.

Baka sabihin hindi ako makamasa hehe so magtatagalog na lang ako. Sana po ay matanggap ninyo ko tulad ng pagtanngap nyo kay K. Pero kung hindi wala kayong choice. Gumawa kayo ng sarili niyong blog! Lol. Medyo maldito ko diba? Haha cono at suplado pero as we go along makikilala ninyo rin ako. Sweet daw ako and gwapo hehe naku baka mayabangan kayo hindi na kayo magbasa hahaha.

Basta nakikiusap kayo magbasa kayo. Lol!

Pagtyagaan ninyo lang po ako and promise hindi lang kayo matutuwa sa mga ise share ko kundi matututo pa kayo. Im sure hindi katulad ng kay Kerk medyo mas may kabuluhan ang isusulat ko hehehe. Pagkatapos ninyong tumawa pwede naman kayong umiyak o vice versa o kung kung gusto ninyong mag senti at maaliw at the same time. This is really the RIGHT place to be. At hindi lang kayo gusto ko rin pong matuto sa inyo kaya nga im happy this blog is interactive and somehow, maka relate tayo sa isat isa kaya you can leave your comments, suggestions, violent reactions, donations, tumatanggap kami ng de lata, bigas at pati na pera. Pero sa mga may ginintuang puso mas masaya kami kung pera di ba. Hahaha. Ise send ko na lang yung account # ko sa Western Union hehehe.

I have been writing since I can remember, pero I don’t let anybody read it. Except dun sa mga literature works ko for my Elementary, Highschool and College campus newspaper organ where I served as Literary Editor and editor in Chief eventually taking up BS Journalism. Now I want to share my stories with you and those stories from my close friends. And mind you, pwede rin kayong mag share- just e-mail me at jmj_kau_band@yahoo.com.ph . By the way good luck to everybody and have a nice time.

And I hope ill make you smile for the first time. Because this is really my first time to blog.

At hindi ko malilimutan, hindi ko pa pala kayo kinakamusta kasi naman gusto ko maiba naman hindi lang laging nasa unahan ang HELLO!at sa huli ay GOODBYE na! Pwede naman baligtad diba. Literally ah hehehe pero kakaiba dahil gusto kong i-share sa inyo kung paano kami mag hello sa mga Arabo dito sa Dubai at sa mga naglipanang Indiano hahaha at mga ibat ibang tao mula sa ibat ibang bansa. Hindi ko naman sinsabing pag aralan ninyo lahat at baka ma-praning na kayo at wala kayong sabihin sa buong araw kundi Hello! Hahaha. Okey so mga bro sama sama uli tayo sa next articles ko dito. Pati na rin yung kay Kerk (at wag ninyo namang isnabin hehehe).

God Bless All The Readers.

No comments: