Wednesday, April 2, 2008

And The Winner Is

Isang seminar sa HIV/ AIDS ang inatendan ko, hindi dahil positive ako, kundi requirements ito sa pagkuha ng health certificate. Una ako sa pila kaya naman sa loob ng seminar room e sa unahan ako nakaupo. Sakto sa harapan ko nakatayo at naglelecture ang isang babae. Nag simula ng toilet humor ng mapunta na sa contraceptives ang usapan lalo na ng diniscuss na ang paggamit ng condom.

O sinong volunteer dyan o ikaw kanina ka pa taas ng taas ng kamay siguro matigas na yan. Ang kulit nung naglelecture tawa na lang ako ng tawa. Tumalikod ang babae at kumuha ng model ng ari ng lalaki na nasa erect position at gawa sa kahoy. Si Dosehaba aka Otsobilog ang bida na biglang inabot sa akin. O sir nanalo kayo ng award (best supporting actor in a porno role) etong trophy nyo. Tawanan ang lahat ng hawak ko yun at habang dinedemo nyang suotan ito ng condom. Tigasan mo pa sir... ang paghawak. First time mo ba? Tawanan ang lahat sa amin.

Eto ang ilang sa mga do's and dont's nung babaeng madumi ang bibig sa mga natandaan ko:

  1. Tignan ang expiration date ng condom sa lalagyan
  2. Pilasin ito sa gilid
  3. Pisilin ang dulong bahagi ng condom para mawala ang hangin at iikot ito ng isang ikot. Huwag marami at baka mapunit.
  4. Isuot mula ulo hanggang (akala ko paa) dulo huwag isama ang dalawang itlog
  5. Kung kulang sa lubrication, wag gumamit ng oil base bilang lubricant dahil mainit ito at masisira ang condom gumamit ng KY gel na nabibili sa botika
  6. Kapag nasa sasakyan wag nang isiping gumamit ng grasa o gasolina bilang pampadulas kung nasa damuhan at walang pambili pede na ang laway
  7. Ang condom ay isang gamitan lamang, isang putok isang condom. Huwag lalabhan pagkatapos
  8. Sa gusto ng round 2 gumamit ng bagong condom
  9. Ibuhol ang condom na may laman, balutin sa tissue o kayay ibalik sa lalagyan at itapon ng tama
  10. Huwag itago bilang souvineer ang pinaggamitang condom
  11. Bumili ng condom sa botika
  12. Ginagamit ang condom kapag ikaw ay 1. nalilibugan 2. libog na libog 3. sobrang libog
  13. Wag ssabihin sa botika miss pabili ng condom kasi nalilibugan ako

No comments: