Monday, April 28, 2008

An Open Letter

Dear Tacio,

Pinagsisisihan ko ang pag basted ko sa ‘yo. Tinitesting ko lang ang pasensya mo nu’ng sabihin ko na sobrang pangit mo at mukha kang tuko. Nagloloko ren ako ng sabihin ko na wala kang kwentang lalaki at nang sinumpa kita. Gusto ko lang malaman kung hanggang saan ang pasensya mo at kung magiging mabuting asawa ka sa akin.

Bawat oras, ikaw ang nasa isip ko. Kahit sa panaginip andun ka pa rin.

Tanggap na tanggap ka ng magulang ko. Mahilig lang sila mag practical joking nung hinabol ka ni Itay ng itak at sinabugan ka ni Inay ng ihi.

Bumalik ka na ulit sa akin, please. Pumasa ka sa mga pagsubok ko. Hindi na ako mabubuhay nang wala ka sa piling ko.

Nagmamahal,
Luisa

P.S. Congrats nga pala sa pagkapanalo mo sa Lotto.

No comments: