Sunday, April 27, 2008

Ok Ka Ba Tyan?

Merong ka bang set of six packs? Kung wala at ikaw ay lalaki, basahin mo mga senyales na ikaw ay merong tyan hindi abs:
  • Ilang beses ka nang biniro kung kelan ang kabuwanan mo.
  • Pag napapagod na ang kamay mo pwede mong ipatong sa ibabaw ng tyan mo ang buong braso mo.
  • Mahilig himasin ng gf mo ang tyan mo.
  • Hindi ka makapag suot ng body fit na damit dahil mukha kang manginginom o pulis.
  • Ginagawang unan ang tyan mo ng iba.
  • Alam mo kung paano lumakad ang buntis.
  • Kapag umiihi ka, ihi na lang ang nakikita mo pag tumingin ka sa baba.

No comments: