Wednesday, March 26, 2008

Pagpasok Mo Akala Mo Lumabas Ka Rin

May nakita akong yellow paper sa mga gamit ko noong college pa ako. Isa rito ay may grade na 1.5. Ito ay isa sa mga sulatin namen sa Filipino class namen. Ito ang halimbawa ng talatang pangkarinawang naglalarawan:

Ang Aking Eskwelahan

Pagbaba pa lang sa jip, matutuling sasakyan ang sasalubong sa iyo. Parang nakikipagpatintero ka kay kaatayan kung ikaw ay tatawid. Isang konkretong gusali ang nasa harapan mo. Upang makapasok isang makipot na daan ang iyong lulusutan. Pagpasok mo akala mo lumabas ka rin, pero hindi pala. Ito ang tinatawag na quadrangle na parang isang hangar ng mga eroplano. Nagkalat dito ang mga kahoy na upuan na tambayan ng mga estudyante. Sa bandang kaliwa naman matatagpuan ang basketball at volleyball court ma katabi ay maliit na kantina. Sa gawing kanan naman ay makikita ang bulok na eroplano at mga lumang makina nito na tinatawag na shop. Kung didiretsuhin mo pa, dalawang gusaling gawa sa kahoy ang makikita mo. Ang una ay may dalawang palapag, sa unang palapag matatagpuan ang Faculty at sa pangalawang palapag naman ay ang tahimik na silid aklatan pero madalas ay maingay dahil sa mga eroplanong katabi nito. Sa kabilang gusali naman ay gawa rin sa kahoy, dito nagsisiksikan ang libo libong estudyante. Kung nasa baba ka ay maririnig mo ang mga malalakas na yabag ng mga takong ng sapatos sa pangalawang palapag dahil sa kahoy ang sahig nito. Sa mga bintana naman nito ay tanaw ang mga mga malalaking eroplano ng runway ng NAIA. Ito ang eskwelahan ko, ito ang PATTS.

1 comment:

|=[RaPtUsErUm]=| said...

Hello Kerk!! Nkadalaw din sa blog mo!!! Basa mode lang!?

Cheers!!!