Tuesday, November 25, 2008

Top Ten - Paano Mo Malalamang Nakasakay Ka Sa LRT/MRT

Nagsurvey kami ng TOP ANSWERS ng mga pinoys kung paano mo ba malalalaman na nakasakay ka pala sa LRT/MRT. At ang TOP TEN ay eto:

10 - May LIBRE kang binabasa.
9 - Masikip, maiinit, mamasamasa at minsan may amoy ang paligid.
8 - Nakita mo ang billboard ni Papa Piolo.
7 - Sumagi sa isip mo ang Newton's Law of Motion.
6 - Nahulaan mo ang kinain ng katabi mong humikab.
5 - Kung ikaw ay lalaki pasimple mong natsansingan ang magandang chicks sa tabi mo.
4 - Parati mong sinasalat ang wallet mo sa bulsa mo.
3 - Tinignan mo ang cellphone mo sa pagkarinig mo sa message alert tone yun pala ay sa katabi mo palang cellphone.
2 - Pag nasa 2nd to the last station ka na may nabakanteng upuan, pero hindi mo alam kung uupo ka pa o hindi na.
1 - Nalaman mong may edad ka na kasi biglang may nag offer ng seat sa'yo.

Monday, November 10, 2008

Made In China

Bumili ako ng water jug na lalagyanan ko ng binabaon kong tubig. Nakakita ko ng small version nung lalagyanan ng tubig na 5 gallon. Nakakatuwa kasi kaya un ang binili ko. Pinalagyan at pinalinis ko pa sa water station pag uwi ko. Nung una kong inom sabi ko lasa pang plastik kasi siguro bago pa. Naalala ko baka naman me melanin ito. Hehehe. Pag tingin ko sa ilalim ng container surprise!!! - made in china.

Thursday, October 30, 2008

Happy Halloween 2008

May nagtanong sa akin dati saan daw ako sa Undas. Sabi ko wala sa bahay lang. Wala ba kayong patay, sabi sa akin. Wala, sagot ko.

Bakit puro ba kayo imortal - sabi sa akin. Napaisip ako.

Baka nga. Hehehe

Oh Jo Kaluguran Da Ka Lyrics

Tinatanong kung mahal kita
At bakit nagkahiwalay
Sa puso ko'y di matanggap
Pagka't mahal kita

Ako'y nananalangin
Na makapiling ka
Ang ibig kong sabihin
Lahat ay gagawin ko

Chorus
Oh Jo Kaluguran da ka
Kalugurang sobra sobra
Kasara da reng mata
Pantunan da ka
Lawen da ka hangga king mate ku
Uling ikang lulugod kaku
Lawen da ka Oh Jo
Hanggang atin ka pang tau

Kapag naaalala
Ang kahapong kaysaya
Muli't muling bumabalik
Ang tamis ng pag-sinta

Repeat verse 2

Repeat Chorus

Nais ko nang isuko
Ang 'yong pagmamahal
Ako'y lalaki lamang
Marunong magmahal

Repeat verse 3 and 2 stanza
Repeat Chorus

Countoterorist Win

Abangers, komsat, headshot ilan lang yan sa mga naalala ko pa nung mga panahong 30 pesos pa ang rentahan sa computeran doon sa Sangandaan. Kasama ang pito kong pang mga barkadang sina Kent, Kaloy, Pc2, Kamote, Jayson, Jojie at Larry. Apatan lage yan nung nauso ang Opposing Force pagkatapos nameng magsawa sa Half-Life. Ang Opposing Force noon ang pinaka history ng Counter-Strike na hanggang ngayon ay kinalolokohan pa ng ibang kabataan. At ang DOTA malamang nag evolve yan sa Diablo 2 noon na pang level-up na game bago pa ang Ragnarok.

Balik tayo sa CS o mas kilala sa Counter. “Counter tayo tara!” At ang katunog ng Counter ay Cutting o cutting classes. Highschool pa kasi kami noon mga nasa 3rd year mga taong 1999 usong uso yan pati na StarCraft na utakan ang gamit hindi tulad sa Counter na putok ka ng putok. Pero hindi ren. At hindi ren kasalanan ng mouse noon na natatanggal ang mouse ball sa kalagitnaan dahil wala pang optical mouse noon. Tamang diskarte lang. Magpahuli ka kung kelang bawas bawas na ung mga kalaban mo na nabaril na ng mga kasama mo. Edi madali mo na sila mapatay. Kung sa school eh wala kang patawad sa pagkopya sa katabi mo gawin mo ren sa Counter, komsatan mo ung nasa tabi mo para madali mo syang maabangan o kaya abangan mo mismo at don ka lang sa sulok malamang abangeers na ang itawag nila sayo. Lalo na pag shotgun ang hawak mo o 2-1, maganda yang pang gulat tipong kasalubong mo na sabay putok patay kagad un, sekyu pa ang labas mo nyan.

Kaso pag nangangamote ka at wala kang mapatay maswerte na’t makabili ka ng handgun na maganda. Ang iba dyan bihasa sa Desser Eagle, yung bang ang yabang at sumusugod sa kalaban na handgun lang ang dala! Wag ka lang pasasak sak ng kutsilyo lang dahil nakakahiya yun. Mas mura naman at kalimitang ginagamit ay ang 3-1 o MP5-Navy $1,500 lang ito at kayang kaya sa budget samahan mo pa ng Hand Grenade at Kevlar Vest. Kelangan lang mabilis kalang bumili para sugod kagad at mauna ka. Mahirap na ren maubusan ng mapapatay.

Thursday, October 23, 2008