Showing posts with label Saw. Show all posts
Showing posts with label Saw. Show all posts

Monday, May 5, 2008

Saw II (Pinoy Version)

Sa isang sulok ng maliit na room makikitang nakahiga ang 16-18 years old na babae. Nasa harap nya ang isang TV. Sumindi ang TV at nagising ang babae. "Ikaw Jane ay nasa aking laro, maligayang bati sa'yo at buhay ka pa hanggang ngayon." sabi ng nasa TV na isang puppet na kamukha ni Arn-arn na kaboses naman ni Big Brother. "Ako si Jig-Saw at hindi lang basta laro ang ang mapunta ka lugar ko, nandito rin matatagpuan ang kasagutan sa ilang tanong mo sa buhay at mga puzzle na gusto mo nang mabuo. Ang lahat ng ito ay nakasalalay kung magagawa mo ang bawat task ko." mahabang dugtong pa ni Kuya este ni Saw.

Walang masabi ang dalaga dahil bingi pala ito at pipi. (Hindi alam ni Saw, kaya nagmukha siyang tanga kanina.)

Tumayo ang dalaga at tila naghahanap ng pintuan. Nakita nya ang isang papel na nakadikit sa pader. Binasa nya ito sa isip. (Ang unang game ay ang tinatawag na "Ang Pinagbabawal Na Salita" hindi mo maaring sabihin sa loob ng 1 oras ang pinagbabawal na salita kung hindi ay mapupuno ng nakakalasong usok ang buong silid at mamamatay ka. Kung matapos mo ang isang oras ng hindi mo nababanggit ang pinagbabawal na salita ay bubukas ang isang pinto papunta sa isang kasagutan! Malalaman mo lang ang pinagbabawal na salita sa paglabas mo ng silid.) Parang nabaliw ang babae at hindi malaman ang gagawin. Nakakita siya ng isang PLDT landline. Agad nya itong dinampot at nagdial ng number. Sumagot ang kabilang linya ngunit wala siyang masabi kundi "A... aa.. a. aaa! Aa! aaa!" Natapos ang 1 oras at bumukas na nga ang pinto. Pumasok ang babae sa pinto.

"Mahusay ang ginawa mo, Jane, pero hindi pa natatapos ang lahat dahil hindi mo pa nakikita ang malaking supresa ko sa buhay mo." sabi ni Saw na nasa TV. Inilawan ang isang lalaking nakataling patayo, nakagapos ang kamay at paa at nakahubad. Nan laki ang mga mata ng babae ng makita nya ang lalaking nakahubad. "Siya ang matagal mo nang hinahanap na lalaki na nang rape sa'yo at sanhi para masira ang buhay mo. Nasa yong kamay mo na ang paghihiganti ngunit kailangan mong gawin ito ayon sa aking ipapagawa." paliwanag ni Saw.

Lumapit ng dahan dahan ang babae sa lalaki. Nagsalita naman ang lalaki, "Jane patawarin mo na ako... natukso lang naman ako non at hindi ba nagustuhan mo naman yon?" Dinampot ng babae ang isang papel. Binasa ang nakasulat. (Game 2 na game na game ka na ba? Bibigyan kita ng 20 minuto lamang para isagawa mo ang iyong paghihiganti. Isang high voltage wire ang nasa harap mismo ng ari ng lalaking nang rape sayo, kung makikita mo isang dangkal lang ang pagitan nito sa ari ng lalaki, kung magagawa mong iseduce ang lalaki sa pamamagitan ng pagsasayaw o anumang piliin mong paraan at magkaroon ng erection ang lalaki, alam mo na ang susunod na mangyayari. Kung hindi mo ito magagawa sa nasabing oras makakawala ang lalaki sa pagkakagapos nito...)

Sa tindi ng galit ng babae ay agad namang nag streaptease ito at isa isang hinubad ang damit. Ngunit parang walang epekto ito sa nagmamakaawang lalaki at takot na takot. Lumipas na ang 15 minuto at walang erection na nagaganap sa lalaki. Lumapit ang babae sa lalaki at (cut by MTRCB)

Nangisay ang lalaki na kaagad nitong ikinamatay, bago pa man maubos ang natitirang isang minutong taning. Ngunit nagulat ang babae ng biglang lumabas ang usok at unti unti na syang nanghihina. Binasa nya ulit ang instruction sa papel. (Kung hindi mo ito magagawa sa nasabing oras makakawala ang lalaki sa pagkakagapos nito. Inuulit ko maari mong gawin ang lahat, maliban na lang na hawakan ang lalaki sa anumang parte ng katawan nya.) THE END

Tuesday, April 8, 2008

What If Saw Is A Filipino?

I'm sure kilala nyo si Jig Saw ung psychotic na killer na pinaglalaruan ang kanyang biktima sa mga puzzled na games nya. E paano kaya kung pinoy ang unang gumawa ng movie na ganun?

Saw I

Sa isang madilim na kwarto nakatali ang dalawang lalaki. Biglang sumindi ang ilaw. Nagising ang isa sa mga lalaki na nakatali sa kisame ang dalawang kamay at ang mga paa sa sahig. Biglang may nagsalita na boses mula sa kung saan, "Housemates, maligayang pagdating sa bahay ko." (kaboses ni Kuya sa Pinoy Big Brother) Nagsalita ang lalaking nakagapos, "Sino ka? Anong ginagawa ko dito? Anong kailangan mo sa akin? Wala akong pera, wala kang mapapala sa akin! Kubrador lang ako ng jueteng sa amin." Nagsalita muli ang boses, "Makinig kang mabuti sa bawat sasabihin ko sayo. Nakataya ang buhay mo at ng taong nasa harapan mo sa bawat desisyong gagawin mo." Biglang inilawan ang isa pang natutulog na lalaki na nakatali at nakaupo sa isang monoblock chair. Naka masking tape ang bibig nito at puro pasa ang mukha at katawan. May isang dipa ang layo ng dalawang lalaki sa isa't isa. "Pagmasdan mong mabuti ang lalaking nasa harapan mo ngayon. Siya ang dahilan ng pagkakaroon mo ng depresyon sa mga nakaraan araw hindi ba?"sabi ng boses. Pinagmasdang mabuti ng lalaking nakatayo ang lalaking nakaupo. "Putang ina, wala akong pakialam sa lalaking nasa harapan ko, pakawalan mo ko dito!" galit na sigaw ng lalaking nakatayo na sya naman kinagising ng lalaking nakaupo. Sumagot ang boses, "Siya ang lalaking nag snatch ng cellphone mo noong isang linggo. At simula ng mawala ang cellphone mo sayo ay ayaw mo ng mabuhay hindi ba? At sinusumpa mo pa na isasama mo sa hukay ang taong kumuha ng cellphone mo hindi ba?" "Oo natatandaan ko sya nga yun. Nasa cellphone ko lahat ng contacts ko sa Sun, marami akong textmates don at nung kinuha yung cellphone sa akin nawala silang lahat sa buhay ko!" sabi ng lalaking nakatayo. "Mmmmm, mmmm!" sabi naman ng lalaking nakaupo na parang may gustong sabihin. "Ngayon bibigyan kita ng pagkakataon na gumanti sa taong sinusumpa mo noon. Pero hindi madali ang lahat para sayo. Bibigyan lamang kita ng 12 oras para patayin ang taong nasa harapan mo, pero kung hindi ka magtagumpay, ang makinang lagari na nasa gilid mo ang hahati sa katawan mo sa dalawa." sabi ng boses. "E tarantado ka pala paano ko siya papatayin eh nakagapos ako dito pati mga paa ko." sabi ng lalaking nakatayo. "Kayo ay nasa laro ko, at ito ang laro ng totoong buhay. Kailangan mo siyang patayin sa pamamagitan ng dura mo. Patayin sa dura! Lunurin sa dura!" Biglang sumindi ang malaking timer at ang makina na lagari at unti unting lumalapit ito sa lalaking nakatayo. Walang magawa ang lalaki kahit na anong piglas na gawin nito ay nakataling mabuti ang mga paa nito at kamay. "Wala na akong choice, kelangan na kitang patayin!" sabi ng lalaking nakatayo at sabay dura sa taong naka upo, "Pwe! Pwe! Pwe! at eto pa, pwe!" Kahit nakagapos ang lalaking nakaupo ay pilit nitong iniiwasan ang mga dura ng lalaking nakatayo. At sa pag iwas nya ay nahulog sa bulsa nya ang N95 na made in China. "Putang ina yan ang cellphone ko ah, sige pinapatawad na kita sipain mo dito yang cellphone at hihingi ako ng tulong para maligtas na tayo!" sabi ng lalaking nakatayo. Sinipa naman ang cellphone ng lalaking nakaupo at saktong napunta ito sa paanan ng lalakitng katayo at sinabing "Buti naka unlimited text ako ng isang buwan, makakapagsend pa ako!" Gamit ang mga daliri sa paa, nagcompose ng message ang lalaking nakatayo: 2long... may pptay sa aqn d2, d q lam kun wer na me e bsta 2long... help huhuhu :-( "Eto na isesend ko na, hehehe maliligtas na ako... oo ako lang dahil ipapahuli kita sa mga pulis walang hiya ka... um!" tuwang tuwa na sabi ng lalaking nakatayo at sabay pindot sa send button. Nabasag ang katahimikan ng biglang tumunog ang cellphone at isang mensahe ang nakalagay MESSAGE SENDING FAILED. "Putik, tang inang Sun yan walang signal!" inis na inis ang lalaking nakatayo. Natanggal naman ang masking tape ng lalaking nakaupo dahil sa pawis nito sa kanyang mukha at nagsalita, "Ayan buti nga sayo nakarma ka... (ang boses ni Kuya, in short siya pala si Jig Saw) …sabi mo pinapatawad mo na ako tapos ipapahuli mo pa pala ako sa mga pulis ha, ngayon mamatay ka dyan kasama ng fake mong cellphone, ako nga ang naloko ng N95 mo, isosoli ko na nga sayo yan eh. At sya nga pala kaya nalaglag sa bulsa ko yang cellphone mo kanina eh dahil nagvibrate at may tumawag, (pinakita sa isang flash video) ibig sabihin may signal dito sa kinauupuan ko at malas mo lang walang signal dyan sayo!" Lumabas ang isang puppet (na hawig ni Arn Arn) sa harapan ng lalaking nakatayo at nagsalita, "Gameover!"