Showing posts with label blog. Show all posts
Showing posts with label blog. Show all posts

Tuesday, May 19, 2009

Buhay IMSHS: Bakas Ng Kahapon (Part 2)

Hindi lang mga kaklase namen ang hindi nakaligtas sa pagbibinyag at pagpapangalanan naming sa kahawig nilang celebrities. Si Mrs. Valenzuela na teacher namen noon sa 3rd year sa Araling Panlipunan ay napansin ko at ng kaibigan ko na hawig siya ni Cristy Fermin. Kaya naman sa tuwing matatapos siyang baitiin ng buong klase bago magsimula ang klase niya ay sabay kaming kumakanta nang pabulong ng kaibigan ko ng theme song ng Cristy Per Minute.

Oras naman ng P.E. class noon at sa labas ang klase kay Mr. Pucan, gaya ng kinagawian magku-kwento lang pala siya, anupa’t naka jogging pants at rubber shoes ang lahat. Napansin ko at ng best friend ko ang ilong ni Mr. Pucan, may maliit na bagay na nakalambitin sa butas ng ilong niya. Lumapit pa kami ng konti at kunwari’y interesado sa pinagsasabi niya para makita ng malapitan. Kulangot pala. Hindi namin mapigilan na tumawa habang pinagmamasdan ang mukha niya. Napansin kami ni Mr. Pucan at sabay tanong “Bakit kayo nagtatawanan, may dumi ba sa mukha ko?”. Hindi na kami umimik pero sa loob loob namen tawa kami ng tawa.

Halos iisa ang mukha ng katabi namen sa upuan mula sa unang taon hanggang sa ika-apat na taon. Higit sa barkasa ang nabuo sa apat na taon na iyon. Tulong tulong kami na parang iisang pamilya. At ito’y hindi maikakaila lalo na sa oras ng pagsusulit kung saan may mga nagigipit na kaklase. Sa klase ng Math iyon madalas. Kahit sabihin pang nasa cream section kami ay ganun talaga ang buhay. Sa Math hindi uso ang kodigo kaya naman lantarang pangongopya ang madalas gawin. Pero kung ang teacher ay katulad ni Mrs. Zaballero hindi pwede ang lantarang pangongopya dahil maski pagkurap mo’t pagkambyo nakikita niya. Sa sobrang suwerte ng batch namen ay dalawang beses naming siyang naging teacher sa Math. Kaya naman sa pagsusulit sa kanya ganito ang aming ginagawa: ang isa sa amen na magaling sa Math at maraming sagot ay gagawa ng pangalawang kopya ng kanyang sagot sa isang papel, tatayo siya at itatapon yon sa basurahan. Tatayo ang isa, pupunta sa basurahan at kukunin ang papel, pagkatapos niya itatapon niya ulet at iba naman ang dadampot.

Siguro nagtataka kayo at kabisado ko pa ren ang bawat pangalan ng naging guro namen. Hindi naman. Tulad ng teacher namen sa Physics nung 4th year ay limot ko na. Paano ba naman sa tuwing babatiin siya ng good morning Miss _____ ay kaming nasa likuran nakaupo ay iba’t ibang pangalan ang sinasabi naming sa araw araw.

Sunday, May 17, 2009

Buhay IMSHS: Bakas Ng Kahapon (Part I)

Sa isang pampublikong mataas na paaralan iikot, magtatapos at magsisimula ang ginuhit ng tadhana ng buhay hayskul ng tagapagsalaysay at lahat ng taong nadamay sa kwentong ito.

“Wan word is enap por a waysman” – eto ang madalas sabihin sa amen ng 2nd year P.E. teacher namen na si Mr. Pucan. Pero huwag ka, siya ay madaldal at makwento, huwag ka lang magkakamali sa pagbanggit ng pangalan niya at magkakasundo kayo. Naubos na nga ang isang oras sa klase nya wala pa syang nadi-discuss sa lecture nya hanggangs abutan siya ng pagtunog ng bell “O, class tandaan nyo wan word is enap por a…” “Waysmen!!!” dugtong namen.

Ganito talaga ang estudyanteng nakikinig ng maigi sa kanilang mga guro na pati mga pagkakamali nila e natatanim sa utak mo at matatawa ka na lang pag naalala mo.

Hindi lahat ng guro ay gusto namen. Galit kami sa mabababa magbigay ng grado at walang kakonsi-konsidirasyon. Si Mrs. Katon, 1st year Science teacher namen. Hugis turumpo siya, kaya malayo pa lang natatanaw na siya mula sa hallway ng building namen habang kami’y nagkakasiyahan. “Andyan na si Skyclone” sigaw ng isa sa amen. Palibhasa puro isip bata pa noon kaya kung anong pangalan ng kontrabida sa mga cartoons sa telebisyon ay pinapangalan namen sa mga gurong ayaw namen. “Andyan na si Skyclone”. Magpapasukan na kami at isasara namen ang pinto namen na walang doorknob. Halos limang minuto siyang nakatayo sa pinto at pilit na binubuksan yon, lahat naman kami tahimik kunwari. Wala kang makikitang bahid ng ngiti sa mukha ni Mrs. Katon para bang galit lagi sa mundo. Wala rin syang masyadong make up kundi lipstick lang at naka stockings na butas. Mahilig siyang magbigay ng pagsusulit na wala naman sa ni-lecture nya ung sagot. Kaya lahat kami halos walang maisagot. Isang araw may mahabang pagsusulit kami sa Araling Panlipunan pagkatapos ng kay Skyclone. Lahat kami ay di nakapag-aral. Hindi ako mapakali sa upuan ko dahil di ko alam kung saan ko ilalagay ang kodigo na naihanda ko para sa pagsusulit. Sa kalikutan ko natabig ko yung medicine box na project ko sa subject na Health. Nabasag yung amonya at nagsilbing teargas ito at dahilan upang maglabasan sa classroom ang buong klase. Nawalan tuloy ng klase kay Skyclone at maging sa sumunod na klase na Araling Panlipunan. Dahil don nailigtas ko ang buong klase sa pagsusulit at instant hero kagad ako. Sa tuwing may pagsusulit at hindi ako nakapag aral ganon lagi ang pinaplano kong gawin.

Asaran at tuksuhan ang karaniwang libangan naming noong highschool. Ang pikon talo! Pansinin at tapunan ng makamundong panlalait ang mga kaklase naming kakaiba ang itsura – may mahaba ang baba, may kulang sa height, may malaki butas ng ilong, may beluga, may malaki mata. Pero ang higit sa kanilang lahat ay si Diego. Medyo chubby ang labi niya na siyang kinahawig niya kay Diego ng Bubble Gang kaya yun na ren ang tawag namen sa kanya. Inaamin ko naman na ako ang numero unong mapanglait sa klase namen at si Diego madalas ang biktima ko. Minsan pumunta ang buong klase sa Araneta Coliseum para umatend ng mass doon. Oras ng komunyon pumila ang iba namen mga kaklase at ang iba nanatili kasama ko. Pinanood namen ang mga nakapila. Kahit malayo ay tanaw namen dahil nasa bandang itaas kami. Nang si Diego na ang nasa harap ng pari, sinabi ko sa katabi ko “Oy si Diego na!” Lahat kami ay tahimik na nakamasid ng maigi habang sinusubo sa kanya ang ostsa. Bigla kami natawa. Imbes na sa dila mailagay ay sa labi napunta at muntik pang malaglag.

Tuesday, April 21, 2009

Minahal Kita Music Video

May nagpagawa sa akin noon ng video sa isang kasal at lagyan ko raw ng effects pero ang ibinigay sa akin ay yung hindi raw video footage kundi ung naedit na. Kaya naman naisipan kong ibahin na lang ang idea kung paano ko ipi-present sa kanila itong pinagawa nila. Kaya heto panoorin ninyo po. Lol.



Sa mga hindi makapanuod sa YouTube dahil block eto po ang video uploaded here:



Saturday, April 4, 2009

Bong Bong Da Bampiraman Part 1

Sikat na sikat sa YouTube si Benjo, spoof ng 300 ng mga Pinoy. Kaya naman hindi papatalo si Bong Bong. Ating subaybayan ang istorya ng bampirang si Bong Bong at ang mga misadventures niya sa spoof natin ng Interview with the Vampire. Bigatin ang casting nito. Bigatin din ang istorya. Lol.

Eto naman sa mga nasa countries na block ang YouTube.


Saturday, February 21, 2009

Bakit Inaamoy Ng Aso Ang Mga Pwet Nila

Noong unang panahon maayos na namumuhay ang mga aso at sila ay nagpapangkat-pangkat. Bawat isa ay nagtutulungan sa kanilang pangkat upang makahanap ng pagkain at pinagsasaluhan nila ito bago matapos ang araw. Si Aso 1 ay kabilang sa pangkat A na kinabibilangan nila Aso 2, Aso 3 at Aso 4. Simula noong mga tuta pa lang sila ay magkakasama na sila at nagbabahagian ng pagkain na kanilang nahahanap. Isang araw kinausap ni Aso 2 si Aso 3, "Tol nagtataka ako kay Aso 1, ilang araw na siyang hindi namamahagi ng kanyang mga pagkain sa atin." ang sabi ni Aso 2. "Baka naman wala talaga siyang nakikitang pagkain, nakakaawa naman kung hindi natin siya bibigyan ng nahanap nating pagkain." ang sabi ni Aso 3. Kinabukasan, nasalubong nila Aso 2 at Aso 4 si Aso 1. "Mga 'tol, pasensya na at hindi ako makahanap ng pagkain siguro ay minamalas lang talaga ako, pwede ba akong makikain sa inyo?" sabi ni Aso 1. "Ah ganun ba, oo naman anu pa't magkakapangkat tayo." Pagkalayo ni Aso 1 bumulong si Aso 4 kay Aso 2, "Ano kaya kung sundan natin si Aso 1 para malaman natin ang totoo." Sinundan nila si Aso 1 hanggang makarating sila sa isang liblib na lugar. Nakita nilang naghuhukay sa lupa si Aso 1 at nagulat sila ng makita nilang may tinatagong mga buto at mga pagkain si Aso 1. Dali dali silang umalis at pumunta sa diyos ng mga aso para sabihin ang kanilang nakita. Pinatawag si Aso 1 at pinaharap sa diyos ng mga aso. "Ikaw Aso 1 ay paparusahan ko dahil sa pagiging mapagsarili mo at pagiging madamot. Simula ngayon ay wala ka ng pangkat at wala ng magpapasali sa iyong mga pangkat ng mga aso. Ang utot mo ay magiging mabaho ngunit walang tunog, yan ang magiging palatandaan mo at wala ka ng magiging kaibigan.

At simula noon ay mag isa na si Aso 1 at sa tuwing magkakaroon ng bagong miyembro sa isang pangkat ng aso ay ugali na nilang amuyin muna ang pwetan ng isang aso bago ito isali sa kanilang pangkat.

Monday, January 19, 2009

Tuesday, November 25, 2008

Top Ten - Paano Mo Malalamang Nakasakay Ka Sa LRT/MRT

Nagsurvey kami ng TOP ANSWERS ng mga pinoys kung paano mo ba malalalaman na nakasakay ka pala sa LRT/MRT. At ang TOP TEN ay eto:

10 - May LIBRE kang binabasa.
9 - Masikip, maiinit, mamasamasa at minsan may amoy ang paligid.
8 - Nakita mo ang billboard ni Papa Piolo.
7 - Sumagi sa isip mo ang Newton's Law of Motion.
6 - Nahulaan mo ang kinain ng katabi mong humikab.
5 - Kung ikaw ay lalaki pasimple mong natsansingan ang magandang chicks sa tabi mo.
4 - Parati mong sinasalat ang wallet mo sa bulsa mo.
3 - Tinignan mo ang cellphone mo sa pagkarinig mo sa message alert tone yun pala ay sa katabi mo palang cellphone.
2 - Pag nasa 2nd to the last station ka na may nabakanteng upuan, pero hindi mo alam kung uupo ka pa o hindi na.
1 - Nalaman mong may edad ka na kasi biglang may nag offer ng seat sa'yo.

Monday, November 10, 2008

Made In China

Bumili ako ng water jug na lalagyanan ko ng binabaon kong tubig. Nakakita ko ng small version nung lalagyanan ng tubig na 5 gallon. Nakakatuwa kasi kaya un ang binili ko. Pinalagyan at pinalinis ko pa sa water station pag uwi ko. Nung una kong inom sabi ko lasa pang plastik kasi siguro bago pa. Naalala ko baka naman me melanin ito. Hehehe. Pag tingin ko sa ilalim ng container surprise!!! - made in china.

Thursday, October 30, 2008

Happy Halloween 2008

May nagtanong sa akin dati saan daw ako sa Undas. Sabi ko wala sa bahay lang. Wala ba kayong patay, sabi sa akin. Wala, sagot ko.

Bakit puro ba kayo imortal - sabi sa akin. Napaisip ako.

Baka nga. Hehehe

Countoterorist Win

Abangers, komsat, headshot ilan lang yan sa mga naalala ko pa nung mga panahong 30 pesos pa ang rentahan sa computeran doon sa Sangandaan. Kasama ang pito kong pang mga barkadang sina Kent, Kaloy, Pc2, Kamote, Jayson, Jojie at Larry. Apatan lage yan nung nauso ang Opposing Force pagkatapos nameng magsawa sa Half-Life. Ang Opposing Force noon ang pinaka history ng Counter-Strike na hanggang ngayon ay kinalolokohan pa ng ibang kabataan. At ang DOTA malamang nag evolve yan sa Diablo 2 noon na pang level-up na game bago pa ang Ragnarok.

Balik tayo sa CS o mas kilala sa Counter. “Counter tayo tara!” At ang katunog ng Counter ay Cutting o cutting classes. Highschool pa kasi kami noon mga nasa 3rd year mga taong 1999 usong uso yan pati na StarCraft na utakan ang gamit hindi tulad sa Counter na putok ka ng putok. Pero hindi ren. At hindi ren kasalanan ng mouse noon na natatanggal ang mouse ball sa kalagitnaan dahil wala pang optical mouse noon. Tamang diskarte lang. Magpahuli ka kung kelang bawas bawas na ung mga kalaban mo na nabaril na ng mga kasama mo. Edi madali mo na sila mapatay. Kung sa school eh wala kang patawad sa pagkopya sa katabi mo gawin mo ren sa Counter, komsatan mo ung nasa tabi mo para madali mo syang maabangan o kaya abangan mo mismo at don ka lang sa sulok malamang abangeers na ang itawag nila sayo. Lalo na pag shotgun ang hawak mo o 2-1, maganda yang pang gulat tipong kasalubong mo na sabay putok patay kagad un, sekyu pa ang labas mo nyan.

Kaso pag nangangamote ka at wala kang mapatay maswerte na’t makabili ka ng handgun na maganda. Ang iba dyan bihasa sa Desser Eagle, yung bang ang yabang at sumusugod sa kalaban na handgun lang ang dala! Wag ka lang pasasak sak ng kutsilyo lang dahil nakakahiya yun. Mas mura naman at kalimitang ginagamit ay ang 3-1 o MP5-Navy $1,500 lang ito at kayang kaya sa budget samahan mo pa ng Hand Grenade at Kevlar Vest. Kelangan lang mabilis kalang bumili para sugod kagad at mauna ka. Mahirap na ren maubusan ng mapapatay.

Thursday, October 23, 2008

Saturday, October 4, 2008

Sunday, September 28, 2008

Pabati!!!

Binabati ko ng Happy Birthday si Ate M ng Orange Cyber Community pati na rin si Iris Castro na nasa U.S. na. Pa burger ka naman Iris. Yun lang.

Friday, August 29, 2008

Bakit Orange Ang Kulay Ng Tokneneng

Bakit Orange Ang Kulay Ng Tokneneng
(Alamat Ng Tokneneng)

Noong unang panahon maligayang nagsasama ang mag asawang sina Tomas at Nene at ang kanilang nag iisang anak na si Kulas. Nais na ni kulas na magkaroon siya ng nakakabatang kapatid.

Isang gabi sa silid ng pamilya, kumakain ng cheesecurls ang batang si Kulas ng mangati si Tomas at pinagsabihan ang anak na lumabas muna saglit dahil may gagawin sila ng nanay niya. Lumabas naman ng silid ang masunurin nilang anak. Naiwan ni Kulas ang cheesecurls na kinakain nya sa kama at napansin ito ng kanyang ina. Kinuha ni Nene ang cheesecurls at tinikman niya ito. Siya ay nasarapan sa pagkain ng cheesecurls kaya ito ay kanyang inubos. Samantalang si Tomas ay nakahiga na sa kama at hinihintay na lamang ang asawa nito na si Nene.

(Abangan ang karugtong ng kwento ng itlog na ang balat ay kulubot kulubot at kulay orange.)

Monday, August 25, 2008

Kerky's Back

Sorry mga ka-Lol ngayon lang ulet ako nagkaroon ng time mag sulat dito sa blog ko. Hayaan nyo babawi na lang ako sa mga jokes ko. Okie? Lol.

Hanap pa ren ako ng makakatuwang dito magsulat ng mga nakakatawang stories okie? Nag rerent lang kasi ako sa labas at nasira ung computer ko sa bahay.

Miss ko na kayo guys dyan sa Dubai. I'll be back soon.

Kwentong Holdapan

Narinig ko lang sa kwentuhan sa jeep.

May hinoldap daw minsan sa Monumento. Nakita ng holdaper kasi ung babae na nagtetext sa daan na patago pa. Inisip nung holdaper na mamahaling cellphone ung ginagamit ng babae. Aun at nilapitan niya ang babae at tinutukan ng patalim sabay sabi ng akina cel mo. Nilabas ng babae ang cellphone nya. Nagulat ang holdaper... isang napalaking lumang modelo ng Alcatel. Nainis ung holdaper at sinampal sa babae ang Alcatel. Lol. Siguro tinatago ren ng babae ung cellphone nya kasi nahihiya siyang ilabas ito. Hahaha.

Tapos nalala ko ung kwento ng classmate ko nung college... sabi nya me mandurukot daw syang naengkwentro. Nahuli na nya na nasa bulsa ng pantalon nya ung kamay ng mandurukot. Tapos tinanong nya, Anu yan??? Sabi ng mandurukot sa kanya... ay sori akala ko bulsa ng pantalon ko. Hahaha. Lol.

Mag ingat na lang tayo sa mga halang ang kaluluwa. O baka sila ang dapat mag ingat sa mga biktima hahaha. Lol

Hi pala sa mahal ko. Naiinis ako sayo. Lol

Sunday, August 24, 2008

Lol Trip Pin Buttons



Mga ka-blog, o para mas unique mga ka-lol, available na po ang mga Lol Trip buttons na gawa ko. Pede nyo itong ipin kahit saan, sa bag, sa backpack, sa maleta (try nyo), sa belt, sa cap. Ito ay hindi binibili, ang gagawin nyo lang ay hingin sa akin personally.

Abangan nyo Lol Trip t-shirts, mugs, stickers.