Showing posts with label kadiri to death. Show all posts
Showing posts with label kadiri to death. Show all posts

Wednesday, April 16, 2008

Yuck Pero Gawaing Normal

Natanong mo na ba sa sarili mo kung iniluwal ka nga bang normal ng nanay mo? Hindi naman dahil mukha kang abnoy at katawa tawa ang itsura mo kundi sa mga kinikilos mong mala out of this world, kaya naman naiiwang malaking palaisipan sa’yo ang tanong na -norma ba ako? Eto ang tseklist ng mga kilos na tyak ginawa nyo o try nyo gawin isang araw, pero gawain ng normal na tao:

  • Nanghinayang ka bang pitikin o itapon yung nakuha mong kulangot sa ilong mo dahil sa sobrang laki at may buhok pang kasama? Kulang na lang eh ipalagay mo ito sa vault ng Ripley’s Believe It Or Not sa sobra mong panghihinayang itapon ito.
  • Paulit ulit kang umuutot dahil sa una mong utot eh kinulob mo ito sa palad mo at inamoy pabalik sa ilong at nasabi mo sa sarili mo na enjoy kang amuyin ang mala imburnnal mong utot at tinalo mo pa ang Langhap Sarap Jollibee Ad.
  • Isa pang nakakapanghinayang na gawin eh ung i-flush mo ung ebak mo na ang haba haba at ang laki laki.
  • Adik adik ka sa kakaamoy sa paa mo matapos mong tanggalin ang medyas mo. Kaya mo itong gawin pero hindi sa paa ng may paa.
  • Nabugnot ka dahil nakawala sa hintuturo mo ung kulangot na pagkalaki laki na namimilipit ka pa sa kakasungkit dito. Ang isang way na gawin mo dito ay suminga ng malakas at kapag tumalsik palabas ang misteryosong kulangot mo e search and rescue pa ang gagawin mo dito at kung game ka talaga eh dadamputin mo pa ito at bibilugin sa palad mo.
  • Ang pangalawang way eh kunin thru dila at ilabas sa bibig.
  • Isa pa sa mga kulangot series eh ung pag hati mo dito sa gitna o sa maraming pieces (hanggat maari, depende sa laki) at isa isa among pitikin.
  • Minsang may plema ka malapit sa nostril mo at sa pagkuha mo thru lalamunan eh me sumamang kulangot at kung siniswerte ka pa eh me tutsang kasama na hirap ka pang kunin sa dila mo at nalasahan mong maalat alat pala ang kulangot.
  • Natinga ka at nginuya mo at nilunok ang tinga mo. Pagnguya sa plema sa kadahilanang hindi mo alam.

Sa mga nabanggit ko.. tiyak isa don eh gustong gusto mong gawin hindi ba? Huwag kang mag alala at hindi ka nag iisa. Hehehe. Lol.

Thursday, April 10, 2008

Iba't Ibang Ebs

Ebs na Multo - ang tipo ng ebs na pakiramdam mo lumabas na sa puwet mo pero pagtingin mo sa inidoro wala naman.

Ebs na Malinis - ang tipo ng ebs na lumabas, nakita mo sa inidoro, pero wala sa tissue.

Basang Ebs - ang tipo ng ebs kung saan napunasan mo na ng 50 beses ang puwet mo pero pakiramdam mo meron pa rin. Kaya ang ginagawa mo ay maglagay ng tissue sa pagitan ng puwet mo para di matagusan ang pantalon mo.

Ebs the Second Time Around - tapos ka nang umebs, nasuot mo na ang panty o brief mo tapos mararamdaman mong there's more to come...

Ebs na Pamputok ng Litid - ebs na kulang na lang ay mapatid ang litid mo sa kakairi.

Ebs na ala Sharon Cuneta - sa dami ng ebs mo, mangangayayat kang talaga.

Ebs ala Antonio Sabato - ebs na sobrang laki at haba na nakatatakot na i-flush dahil baka maputol.

Ebs na Maingay - ang ebs na napakaingay ng pagbulusok sa inidoro na lahat ng nakakarinig ay natatawa.

Ebs na Ala Mais - lam mo na to eh. Don't tell me di ka pa umebs ng ganito.

Mahanging Ebs - ang tipo kung saan gusto mo umebs pero puro utot lang ang lumalabas.

Ebs na Ectopic - ebs na ang hirap ilabas, feeling mo pahalang siya kung lumabas.

Basa ang Pisngi Mo Ebs - ang tipo ng ebs na sa sobrang bilis lumabas eh tumalsik ang tubig sa pisngi ng puwet mo.

Aristokratang Ebs - taong feeling niya ay walang amoy ang ebs niya.

Ebs na Ayaw Mawala - ang ebs na nakakailang flush ka na pero meron at meron pa rin maliit na bilog na ebs na lumulutang.

Wrong Timing Ebs - tipo ng ebs na di na panira ng timing. halimbawa, nasa party ka, o may outing, o kaya ay presentation o exam tapos bigla ka na lang matatae. Actually, uutot ka pero sumasama na siya, kaya kung maglakad ka para kang tanga.

Won't Let Go Ebs - ang ebs na matindi ang kapit at ayaw malaglag kahit umiri ka na nang umiri at igalaw-galaw mo pa ang puwet mo.

Taguang Pong Ebs - ebs na lalabas, papasok, lalabas, papasok uli, lalabas...

Ebs ng Kuneho - ebs na maliliit na bilog na walang tigil sa kakalabas. Titigil ka na lang sa kakaebs kasi bored ka na at ang tagal mo nang nakaupo sa inidoro.

Saturday, March 22, 2008

Ma'am Si Kerk Po Yun

“Ma para taytay na ako!!!”
“Malayo pa nasa Pasig pa lang tayo.”
“Taytay na sabi ako ehhh para naaaaa!!!”
“Malayo pa nga. Umupo ka muna dyan.”
“Ehh…….”
“Ang baho sino un??? Argggh… ang baho amoy…”
“Sabi ko sa inyo, taytay na ako eh.”

Elementary ako noon nasa grade 3. Pagkatapos ng recess namen, sumakit ang tyan ko. Matatae ata ako. Ayokong tumae sa banyo namen. Public school ako kasi. Para ng kumunoy ung taeng naimbak don sa inodoro don. May lumot lumot na at nalalakaran na ng bangaw at langaw ung tae. Tska dyahe walang lock, tska tutuksuhin ka pag tumae ka don. Kaya tiniis ko na lang at malapit na namang mag uwian. Maya maya sobra na talagang sakit. Parang may lalabas na. Nakupo. Hindi na talaga napigilan. Natae yata ako sa short ko. May naka amoy na katabi ko.

“Ang baho tumae ka noh Kerk?” sabi ni tukmol na katabi ko. “Hindi ah” deny to death kong sagot. “Tumae ka eh, tumayo ka nga.” “Sabi ng hindi eh.” Humarap ako sa isa kong katabi sa kaliwa. Tinanong ko sya “Ui anong oras na?” “Ha eh ikaw ung may relos eh” Oo nga pala me relo nga pala ako. “Ah o sige ako na lang tanungin mo kung anong oras na” palusot ko… wala lang maiba lang usapan at malayo sa tae.

Ang kulit ni tukmol akmang magsusumbong na at magtataas na ng kamay. “Maam si Kerk po tum…wamaw” Sabay takip ko sa bibig nya. Loko to ah. Sinaksak ko nga ng ballpen sa kamay. Maya maya pati si Titser nakaamoy na. “Class may tumae ba sa inyo” sabi ni titser. Nagkatinginan. Masama ang tingin ko kay tukmol para hindi magsumbong. “O sige class pag bilang ko ng tatlo lahat kayo tatayo ah. 1-2…”

“Maam si Kerk po un tumae!”

Friday, March 21, 2008

KSP

Malakas ang memorya ko lalo na kapag tungkol sa kalokohan. Noong nasa grade 5 ako may naaalala akong ginawa ko sa kaklase naming babae na hindi ko malimutan.

Bago ang building kung saan doon ang classroom namen. Nasa 3rd floor kami noon. Kulay puti ang kulay ng pintura ng building na patayo ni mayor na pinangalan pa sa tatay nya. White na white ang pintura kaya naman mahigpit na mahigpit ang mga titser sa pagsusuway sa mga estudyante na nagsusulat sa dingding nito. Bawal magsulat ballpen man pentelpen o lapis. Bawal itaas ang paa kapag nakasandal ka dito dahil babakat ang dumi ng sapatos sa dingding. Maraming bawal sa napakaputi napakaganda at napakalinis naming dingding ng classroom. Isa lang ata ang nakalimutang isiping ipagbawal.

Ang ganda ng view sa may bintana. Dahil na rin letter u ang start ng surname ko laging nasa row 4 ako. Kami ung nakadikit sa bintana at dingding. Kami ung unang mapagbibintangan kung anumang makitang dumi sa may dingding namin. Ang katotohanan marami na ang lumapastangan sa dingding na un pero sa kadahilanang hindi ito kasama sa pinagbabawal. Ang pagdidikit ng kulangot sa pader o ksp. Parang mosaic ung mga nakadikit na kulangot sa dingding. May ibat ibang hugis, laki at kulay. Mayroong may buhok pa at ang iba naman may kasama pang sipon na natuyo at may nafossilize pa atang langgam sa sipon.

Naiisip mo bang naiisip ko B1? Palagay ko nga B2, sagot ng bestfriend ko na katabi ko lang sa desk na pahaba at kulay puti rin. Operation tanggal kulangot. Kumuha ako ng stick at nag alis ako ng isa sa mga nakadikit na kulangot. Nilagay ko un sa ibabaw ng desk namin na puti. Maya maya tumawag na si B2 ng bibiktimahin.

Si Ela, ang kaklase naming babae na sobrang sungit na laging naka assign na taga tinda sa tray ng canteen sa amin. Lagi kaming nasa row 4 ang hinuhuli sa pagtawag sa pagpila sa tray ng canteen. Wala ka na tuloy mabili kundi ung tag pipiso na juice na sa gitna mo pa tutusukin ng straw para mainom.

Ang accomplice ay ang buong row 4. Lumapit ang biktima. Sabi ko sa kanya huhulaan ko siya sa pamamagitan ng pagbasa sa palad nya. Binigay naman nya ang kanang kamay nya para mabasa ko ang palad nya. Binasahan ko sya kunwari. Pagkatapos sinabi ko na kailangan lagyan ng pwersa ung kamay nya para lalong lumabas ung mga guhit ng palad. Ipinapatong ko sa desk ung kamay nya ng patihaya. Diniinan ko yon sa pamamagitan ng pagpatong ko ng kamay ko sa ibabaw ng kamay nya. Diniinan ko ng sobra. Dalawang kamay. Nagtawag pa ako ng mga kaklase para dumagan sa palad nya. Mga sampung kamay na ang nakapatong sa kamay ni Ela. Dinasalan ko pa kunwari at pinapikit ko sya. Tapos na! Iniisa isa namen ang pag alis ng mga kamay habang si Ela ay nakapikit pa. Iniangat na nya ang palad nya at sabi ko na idahan dahan nyang imulat ang mga mata nya at titigan mabuti ang palad nya. Ang nasa palad nya. Ang nasa palad nya ay walang iba kundi kulangot.

Facts On Flies

Hindi ko ugali ang matulog sa byahe pero naranasan ko na makatulog sa LRT ng nakatayo. Bumigay ang tuho ko at pati ako bumagsak sa sahig. Malamang kung anu ano lang pumapasok sa isip ko pag nasa daan.

Tulad ng napansin ko. Isang langaw. Aba nakalibre pa ng sakay itong langaw na ito.

Mapitik nga.

Ganun na lang ang pagtataka ko ng lumipad ito. Bakit ako magtataka? Eto ung matagal ng tanong sa isip ko kahit nung bata pa ako kung bakit ang isang langaw na nasa loob ng umaandar at napakatulin na sasakyan eh nagagawang makalipad. Hindi ba hindi na nakatuntong ang mga paa nya sa sasakyan kaya dapat maiiwan sya sa ere?

Twirl Effect

Nalala ko nung kumukuha ako ng health certificate noon sa Quezon City Health Department, isa sa mga requirements eh plema at stool o tae. Sabi ko don sa babaeng napagtanungan ko eh paano kung wala akong plema? Edi dumahak ka! Ano?

Hindi naman din ako nahirapan sa pagkuha ng tae. Sympre hindi ko na itatanong kung paano kumuha non. Pagkatapos kong makakuha ng lalagyan e dali dali akong pumunta ng CR para tumae. Buti na lang at kakakain ko lang. Medyo ginawa ko pa ngang parang sa frosty me parang twirl effect. Haba naman ng pila. Isasubmit na lang ipipila pa ung taeng dala namen.

Habang nakapila ako napansin ko yung iba. Kadiri naman pwede naman nila munang itago sa bag bakit kelangan nilang ibuyanyang sa public. Ako nilagay ko muna sa loob ng bag ko. Nakita ko ung sa katabi ko parang nagkalat sa lalagyan nya, meron napunta sa takip. Nang malapit na ako sa window ung nasa unahan ko sinabihan nung kumukuha ng specimen na bawasan ung laman ng lalagyan nya. Ano? Paanong babawasan mo pa un? Pinagpawisan tuloy ako baka marami ren ung sa akin. Anong gagawin ko kutsarain ko at bawasan?