Wednesday, October 8, 2008

Postpaid, Prepaid, Unlimited

Umuwi si Mister ng 4:00 ng madaling araw at nakita niya ang kanyang misis na may katalik na ibang lalaki sa kama...
Misis: (Pasigaw) Saan ka galing!!!
Mister: Sino yang katabi mo?!
Misis: Grabe ka! Huwag mong ibahin ang usapan!

What is the difference between a girlfriend, a call girl and a wife?
Answer: Postpaid, prepaid, unlimited

Toto: Pangarap ko, kumita ng P250,000 monthly gaya ni Daddy!
Pedro: Wow! Ganyan kalaki ang kinikita ng daddy mo?
Toto: Hindi! 'Yan din ang pangarap niya!

Bunso: Itay may multo raw sa kusina natin!
Itay: Anak, sino namang nagsabi nyan sa'yo?
Bunso: Si Ate po.
Itay: Ay naku! Huwag ka ngang mag papaniwala sa multo! Wala namang multo, eh katahang isip lang 'yon. Ang mabuti pa samahan mo na lang ako sa kusina at iinom lang ako ng tubig!

Anak: 'Tay ano po ba ang tawag sa damit ng buntis, fraternity dress ba?
Tatay: Tanga! Panlalaki 'yon! Dapat sorority dress!

Misis: Dok, kamusta ang aking mister.
Doktor: Sorry po. Mula ngayon, ikaw na ang magpapaligo at magpapakain sa kanya, kasi putol na ang kanyang mga kamay at paa...
Misis: Hah?! Hindi nga?!
Doktor: Hehehe! Ninerbyos ka 'no?! Joke lang! Ang totoo, patay na siya!

No comments: