Thursday, October 30, 2008

Countoterorist Win

Abangers, komsat, headshot ilan lang yan sa mga naalala ko pa nung mga panahong 30 pesos pa ang rentahan sa computeran doon sa Sangandaan. Kasama ang pito kong pang mga barkadang sina Kent, Kaloy, Pc2, Kamote, Jayson, Jojie at Larry. Apatan lage yan nung nauso ang Opposing Force pagkatapos nameng magsawa sa Half-Life. Ang Opposing Force noon ang pinaka history ng Counter-Strike na hanggang ngayon ay kinalolokohan pa ng ibang kabataan. At ang DOTA malamang nag evolve yan sa Diablo 2 noon na pang level-up na game bago pa ang Ragnarok.

Balik tayo sa CS o mas kilala sa Counter. “Counter tayo tara!” At ang katunog ng Counter ay Cutting o cutting classes. Highschool pa kasi kami noon mga nasa 3rd year mga taong 1999 usong uso yan pati na StarCraft na utakan ang gamit hindi tulad sa Counter na putok ka ng putok. Pero hindi ren. At hindi ren kasalanan ng mouse noon na natatanggal ang mouse ball sa kalagitnaan dahil wala pang optical mouse noon. Tamang diskarte lang. Magpahuli ka kung kelang bawas bawas na ung mga kalaban mo na nabaril na ng mga kasama mo. Edi madali mo na sila mapatay. Kung sa school eh wala kang patawad sa pagkopya sa katabi mo gawin mo ren sa Counter, komsatan mo ung nasa tabi mo para madali mo syang maabangan o kaya abangan mo mismo at don ka lang sa sulok malamang abangeers na ang itawag nila sayo. Lalo na pag shotgun ang hawak mo o 2-1, maganda yang pang gulat tipong kasalubong mo na sabay putok patay kagad un, sekyu pa ang labas mo nyan.

Kaso pag nangangamote ka at wala kang mapatay maswerte na’t makabili ka ng handgun na maganda. Ang iba dyan bihasa sa Desser Eagle, yung bang ang yabang at sumusugod sa kalaban na handgun lang ang dala! Wag ka lang pasasak sak ng kutsilyo lang dahil nakakahiya yun. Mas mura naman at kalimitang ginagamit ay ang 3-1 o MP5-Navy $1,500 lang ito at kayang kaya sa budget samahan mo pa ng Hand Grenade at Kevlar Vest. Kelangan lang mabilis kalang bumili para sugod kagad at mauna ka. Mahirap na ren maubusan ng mapapatay.

No comments: