Wednesday, March 26, 2008

Pagpasok Mo Akala Mo Lumabas Ka Rin

May nakita akong yellow paper sa mga gamit ko noong college pa ako. Isa rito ay may grade na 1.5. Ito ay isa sa mga sulatin namen sa Filipino class namen. Ito ang halimbawa ng talatang pangkarinawang naglalarawan:

Ang Aking Eskwelahan

Pagbaba pa lang sa jip, matutuling sasakyan ang sasalubong sa iyo. Parang nakikipagpatintero ka kay kaatayan kung ikaw ay tatawid. Isang konkretong gusali ang nasa harapan mo. Upang makapasok isang makipot na daan ang iyong lulusutan. Pagpasok mo akala mo lumabas ka rin, pero hindi pala. Ito ang tinatawag na quadrangle na parang isang hangar ng mga eroplano. Nagkalat dito ang mga kahoy na upuan na tambayan ng mga estudyante. Sa bandang kaliwa naman matatagpuan ang basketball at volleyball court ma katabi ay maliit na kantina. Sa gawing kanan naman ay makikita ang bulok na eroplano at mga lumang makina nito na tinatawag na shop. Kung didiretsuhin mo pa, dalawang gusaling gawa sa kahoy ang makikita mo. Ang una ay may dalawang palapag, sa unang palapag matatagpuan ang Faculty at sa pangalawang palapag naman ay ang tahimik na silid aklatan pero madalas ay maingay dahil sa mga eroplanong katabi nito. Sa kabilang gusali naman ay gawa rin sa kahoy, dito nagsisiksikan ang libo libong estudyante. Kung nasa baba ka ay maririnig mo ang mga malalakas na yabag ng mga takong ng sapatos sa pangalawang palapag dahil sa kahoy ang sahig nito. Sa mga bintana naman nito ay tanaw ang mga mga malalaking eroplano ng runway ng NAIA. Ito ang eskwelahan ko, ito ang PATTS.

Tuesday, March 25, 2008

Office Etiquette 101: Overcoming Tardiness

Ano ang dapat gawin kung tinatamad kang magtrabaho? Huwag aabsent. Huwag male-late. Pagkaupo mo sa iyong lamesa, buksan isa-isa ang drawer at magkalkal. Kunwari ay may hinahanap. Pagkatapos mong magkalkal, tumayo ka at tunguhin ang mga filing cabinet. Maghanap ka ng ipis. Kung wala kang mahanap, tingnan mo ang iyong incoming & outgoing tray. Kalkalin at maghanap ng mga natira sa iyong mga kinutkot kahapon. Huwag kakainin muli. Labag sa kagandahang asal. Kung naglalaway ka sa mga iyon ay kunin mo ang nagamit mong tissue paper na nailagay mo sa iyong front drawer at ipunas sa laway mo. Pagkatapos ay ilagay muli sa drawer. Maaari mo pang magamit iyon bukas. Malaking katipiran sa iyo.Kung biglang dumating ang iyong boss, hawakan kaagad ang telepono at magsalita. Kunwari ay tinatanong ka ng iyong kausap tungkol sa mga dokumento. Sumagot ka ng "Oh! I am sorry but I will bring that to your office immediately." Kumuha kaagad ng kahit anong folder at magpaalam ng maayos at buong giliw sa iyong boss. Lumabas ng nagmamadali. Pumunta ka sa CR. Magsuklay. Tingnan mabuti ang sarili. Mag-retouch kung babae. Tingnan kung baligtad ang underwear na naisuot at kung lalaki, maghilamos at basain ng konti ang buhok. Magtiris ng mga taghiyawat. Magtagal ng mga limang minuto. Pagkabalik mo sa iyong opisina, buksan ang computer. Hintaying matapos ang Auto Scan. Marami ring minuto ang magugugol dito. Magbukas ng isang file... Isa pa... at isa pa uli...!!! Pumunta sa ccmail, tingnan ang inbox kung may hindi pa nababasa. Magbasa. Kunwari ay bagong pasok ka lamang sa Grade One. Pagkatapos ay kunin ang mga dapat gawing report. Titigang mabuti. Pag-aralan ang klase ng papel na ginamit. Bilangin kung ilang words ang nagamit. Kung may tumawag sa telepono, kaagad sagutin. Huwag mong hayaang ibaba kaagad ng kausap. Kumustahin. Tanungin tungkol sa mga National Issues katulad ng tungkol sa mga jokes kay Erap o kaya ang pagkamatay ni Princess Di. Kumustahin din ang latest style ng kanyang damit pati na kung saan nagpapa-manicure at pedicure. Huwag lalagpas ng isang oras ang pakikipag-usap. Magagalit ang iyong boss. Kung may report na tatapusin, tapusin ng eksakto sa deadline hour. Kung may ita-type, magtype ng 10 wpm. Tunguhin ang mga file na inipon sa loob ng ilang araw. Ayusin isa-isa habang ini-imagine ang sarili na sumasahod ng 15,000 pesos isang buwan. Huwag tatapusin. Magtira ng para sa ilang araw na gawain. Palaging magtungo sa CR. Kunwari ay may LBM. Palagi ring bumisita sa ibang department, makipagchikahan. Huwag mong titingnan ang iyong relo habang ginagawa mo ang lahat ng nasa itaas. Kapag ginawa mo iyon ay lalo kang maiinip. Hayaang mag-enjoy ang sarili sa iyong katamaran. Magugulat ka na lamang na "time" na pala para umuwi. Ayusin ang lamesa na para bang napakarami ng iyong trinabaho. At bago umuwi, dumaan ng CR. Tingnan at hipuin ang mukha kung gaano kakapal. Huwag pansinin ang mga kasamahan na mula umaga ay tingin ng tingin sa iyo. Hindi naman sila ang nagpapasuweldo!!!

YM Sa Word

Mahilig ka bang magchat to the max habang nasa work? Ung bang feeling na sinusuwelduhan ka para lang magchat? E sino bang adik e halos naman lahat tayo ganyan. Pero lahat den tayo takot na mahuli ni bossing at sure baka goodbye work ka na forever. Kaya naman may naimbento ako na tiyak makaka-solve sa problema ng lahat. Ang bagong Yahoo! Messenger Microsoft Word Version.

Ito ang Yahoo! Messenger na ang environment ay fully Microsoft Word at tiyak maloloko nyo ang bosing nyo na aakalain nyang subsob kayo sa work pero un pala ay subsob kayo sa ka chatmate nyo. Lahat ng features ng YM ay fully functional at talagang hassle free sa pag gamit. Para ka lang nagta-type ng memo o letter sa MS WORD. Sa lahat ng gusting subukan ang version na ito, PM nyo lang ako sa YM ko.


Saturday, March 22, 2008

Patalastas Muna - Spiderman 3 OST Music Video

Okey! Alam kong matagal na ang movie na ito at ilang pirated na Spiderman ang nagkalat sa buong Maynila. Pero hindi nyo ba alam na Pinoy ang gumawa ng Music Video nya... ehem.

Syempre featuring ang super to the max na idol band ko ang The Calling ang kanta nilang When It All Falls Down.



Eto ung lyrics ng kanta para kumpleto tayo:

Heaven's in your eyes
And it's begging me to lie
You're waiting for, a little more
Of those words you want to hear, but
The silence weighs on me
And I think it's time to leave
Before I go, you gotta know
Why nothing's ever clear
See I'm waiting for you
Waiting to know you
But I don't even understand myself
So don't ask me why

You know, I have to walk away
Don't you, try to stop and save me
When it all falls down
When it all falls down
You know, I've tried but I can't change
So go ahead and blame me
When it all falls down
Cause it'll all fall down

In the spider web
I'm trapped by what I've said
As you can see, I'll never be
What you really want, so
I'll just hide behind
This attitude gives all my pride
I made the choice to keep your voice
From creeping through my insides
See I'm waiting for you
Waiting to know you
Can't forget the power that you have
What do you want from me?

You know, I have to walk away
Don't you, try to stop and save me
When it all falls down
When it all falls down
You know, I've tried but I can't change
So go ahead and blame me
When it all falls down
Cause it'll all fall down

Even if I tried
Even if I lied to you
It wouldn't make it any better
Well, now even if I lose
The one that I would choose
Would be you

See I'm waiting for you
Waiting to know you
But I don't even understand myself
So don't ask me why
Don't ask me why

You know, I have to walk away
Don't you, try to stop and save me
When it all falls down
When it all falls down
You know, I've tried but I can't change
So go ahead and blame me
When it all falls down
Cause it'll all fall down

When it all falls down
When it all
When it all falls down
Yeah, it'll all fall down

Ma'am Si Kerk Po Yun

“Ma para taytay na ako!!!”
“Malayo pa nasa Pasig pa lang tayo.”
“Taytay na sabi ako ehhh para naaaaa!!!”
“Malayo pa nga. Umupo ka muna dyan.”
“Ehh…….”
“Ang baho sino un??? Argggh… ang baho amoy…”
“Sabi ko sa inyo, taytay na ako eh.”

Elementary ako noon nasa grade 3. Pagkatapos ng recess namen, sumakit ang tyan ko. Matatae ata ako. Ayokong tumae sa banyo namen. Public school ako kasi. Para ng kumunoy ung taeng naimbak don sa inodoro don. May lumot lumot na at nalalakaran na ng bangaw at langaw ung tae. Tska dyahe walang lock, tska tutuksuhin ka pag tumae ka don. Kaya tiniis ko na lang at malapit na namang mag uwian. Maya maya sobra na talagang sakit. Parang may lalabas na. Nakupo. Hindi na talaga napigilan. Natae yata ako sa short ko. May naka amoy na katabi ko.

“Ang baho tumae ka noh Kerk?” sabi ni tukmol na katabi ko. “Hindi ah” deny to death kong sagot. “Tumae ka eh, tumayo ka nga.” “Sabi ng hindi eh.” Humarap ako sa isa kong katabi sa kaliwa. Tinanong ko sya “Ui anong oras na?” “Ha eh ikaw ung may relos eh” Oo nga pala me relo nga pala ako. “Ah o sige ako na lang tanungin mo kung anong oras na” palusot ko… wala lang maiba lang usapan at malayo sa tae.

Ang kulit ni tukmol akmang magsusumbong na at magtataas na ng kamay. “Maam si Kerk po tum…wamaw” Sabay takip ko sa bibig nya. Loko to ah. Sinaksak ko nga ng ballpen sa kamay. Maya maya pati si Titser nakaamoy na. “Class may tumae ba sa inyo” sabi ni titser. Nagkatinginan. Masama ang tingin ko kay tukmol para hindi magsumbong. “O sige class pag bilang ko ng tatlo lahat kayo tatayo ah. 1-2…”

“Maam si Kerk po un tumae!”

Friday, March 21, 2008

KSP

Malakas ang memorya ko lalo na kapag tungkol sa kalokohan. Noong nasa grade 5 ako may naaalala akong ginawa ko sa kaklase naming babae na hindi ko malimutan.

Bago ang building kung saan doon ang classroom namen. Nasa 3rd floor kami noon. Kulay puti ang kulay ng pintura ng building na patayo ni mayor na pinangalan pa sa tatay nya. White na white ang pintura kaya naman mahigpit na mahigpit ang mga titser sa pagsusuway sa mga estudyante na nagsusulat sa dingding nito. Bawal magsulat ballpen man pentelpen o lapis. Bawal itaas ang paa kapag nakasandal ka dito dahil babakat ang dumi ng sapatos sa dingding. Maraming bawal sa napakaputi napakaganda at napakalinis naming dingding ng classroom. Isa lang ata ang nakalimutang isiping ipagbawal.

Ang ganda ng view sa may bintana. Dahil na rin letter u ang start ng surname ko laging nasa row 4 ako. Kami ung nakadikit sa bintana at dingding. Kami ung unang mapagbibintangan kung anumang makitang dumi sa may dingding namin. Ang katotohanan marami na ang lumapastangan sa dingding na un pero sa kadahilanang hindi ito kasama sa pinagbabawal. Ang pagdidikit ng kulangot sa pader o ksp. Parang mosaic ung mga nakadikit na kulangot sa dingding. May ibat ibang hugis, laki at kulay. Mayroong may buhok pa at ang iba naman may kasama pang sipon na natuyo at may nafossilize pa atang langgam sa sipon.

Naiisip mo bang naiisip ko B1? Palagay ko nga B2, sagot ng bestfriend ko na katabi ko lang sa desk na pahaba at kulay puti rin. Operation tanggal kulangot. Kumuha ako ng stick at nag alis ako ng isa sa mga nakadikit na kulangot. Nilagay ko un sa ibabaw ng desk namin na puti. Maya maya tumawag na si B2 ng bibiktimahin.

Si Ela, ang kaklase naming babae na sobrang sungit na laging naka assign na taga tinda sa tray ng canteen sa amin. Lagi kaming nasa row 4 ang hinuhuli sa pagtawag sa pagpila sa tray ng canteen. Wala ka na tuloy mabili kundi ung tag pipiso na juice na sa gitna mo pa tutusukin ng straw para mainom.

Ang accomplice ay ang buong row 4. Lumapit ang biktima. Sabi ko sa kanya huhulaan ko siya sa pamamagitan ng pagbasa sa palad nya. Binigay naman nya ang kanang kamay nya para mabasa ko ang palad nya. Binasahan ko sya kunwari. Pagkatapos sinabi ko na kailangan lagyan ng pwersa ung kamay nya para lalong lumabas ung mga guhit ng palad. Ipinapatong ko sa desk ung kamay nya ng patihaya. Diniinan ko yon sa pamamagitan ng pagpatong ko ng kamay ko sa ibabaw ng kamay nya. Diniinan ko ng sobra. Dalawang kamay. Nagtawag pa ako ng mga kaklase para dumagan sa palad nya. Mga sampung kamay na ang nakapatong sa kamay ni Ela. Dinasalan ko pa kunwari at pinapikit ko sya. Tapos na! Iniisa isa namen ang pag alis ng mga kamay habang si Ela ay nakapikit pa. Iniangat na nya ang palad nya at sabi ko na idahan dahan nyang imulat ang mga mata nya at titigan mabuti ang palad nya. Ang nasa palad nya. Ang nasa palad nya ay walang iba kundi kulangot.

Facts On Flies

Hindi ko ugali ang matulog sa byahe pero naranasan ko na makatulog sa LRT ng nakatayo. Bumigay ang tuho ko at pati ako bumagsak sa sahig. Malamang kung anu ano lang pumapasok sa isip ko pag nasa daan.

Tulad ng napansin ko. Isang langaw. Aba nakalibre pa ng sakay itong langaw na ito.

Mapitik nga.

Ganun na lang ang pagtataka ko ng lumipad ito. Bakit ako magtataka? Eto ung matagal ng tanong sa isip ko kahit nung bata pa ako kung bakit ang isang langaw na nasa loob ng umaandar at napakatulin na sasakyan eh nagagawang makalipad. Hindi ba hindi na nakatuntong ang mga paa nya sa sasakyan kaya dapat maiiwan sya sa ere?

Twirl Effect

Nalala ko nung kumukuha ako ng health certificate noon sa Quezon City Health Department, isa sa mga requirements eh plema at stool o tae. Sabi ko don sa babaeng napagtanungan ko eh paano kung wala akong plema? Edi dumahak ka! Ano?

Hindi naman din ako nahirapan sa pagkuha ng tae. Sympre hindi ko na itatanong kung paano kumuha non. Pagkatapos kong makakuha ng lalagyan e dali dali akong pumunta ng CR para tumae. Buti na lang at kakakain ko lang. Medyo ginawa ko pa ngang parang sa frosty me parang twirl effect. Haba naman ng pila. Isasubmit na lang ipipila pa ung taeng dala namen.

Habang nakapila ako napansin ko yung iba. Kadiri naman pwede naman nila munang itago sa bag bakit kelangan nilang ibuyanyang sa public. Ako nilagay ko muna sa loob ng bag ko. Nakita ko ung sa katabi ko parang nagkalat sa lalagyan nya, meron napunta sa takip. Nang malapit na ako sa window ung nasa unahan ko sinabihan nung kumukuha ng specimen na bawasan ung laman ng lalagyan nya. Ano? Paanong babawasan mo pa un? Pinagpawisan tuloy ako baka marami ren ung sa akin. Anong gagawin ko kutsarain ko at bawasan?

Ang Di Lumingon Sa Pinanggalingan... May Stiff Neck

Lahat ng bagay may pinanggalingan. Inisip ko bakit ko pa kelangan mag Blogspot eh sa Friendster Blogs mas nakilala ako don at mahirap na ring mag maintain ng dalawang blogs. Pero sa tingin ko mas marami ang readers dito. Kaya eto po ang link ng Friendster Blogs ko don sa gustong makabasa ng mga previous post ko:http://kerkurgel.blogs.friendster.com/my_blog/