Monday, June 8, 2009

Gracia Talking 'bout Pag-ivheg

aalala niyo pa ba ang inyong unang crush? Noong highschool? e nung college? E pano naman yung crush mo ng childhood days? kalaro mo sya freakydom 123? Sa dinami-rami ng pwedeng habulin siya ang pinagiinitan mong habulin. E kamusta naman ang bahay-bahayan? Siya ang Tatay ikaw ang Nanay este shotolong. Imaginin mo ang dati mong crush na hindi ka pinapansin noon hanggnag sa nawala na lang siyang parang bula sa ibabaw ng coke mo, at ngayon e muling bumabalik ang mga alaala ng makulay na kahapon? Iimik ka na ba, ipagtatapat mo na ba? Anong gagawin mo? Hoy! Tinatanong kita... Naalala niyo ba ang kilig feeling? Hhhhmmm... Magbalik tanaw tayo!


Nangyari to summer ng 2001 (junior days), hindi ako sure (basta nangyari 'to) Pansol, Laguna. Yan ang laging destinasyon namin magbabarkada pag tapos na ang school year nung college pa kame. Diyan mo makikita ang magkakapit-bahay na mga swimming pool. (Maloka kayo sa bawat gate na mapapasukan niyo e may sariling swimming pool at! base on my observation mas maraming swimming pool kesa sa mga taong nakatira). Ang siste naming magkakaibigan, maghanap ng abot-kaya... di' makawarak bulsa na rental ng rest house na may pool.


Overnight ang duration... at yang overnight na yan, kontrobersyal yan (sabi nga nila maraming nangyayari sa hatinggabi, sino nagsabe? hahaha) Mabalik tayo, Masaya ng finally makakita kami ng abot kayang resthouse. Maganda... malinis, masamyo, Perfect! Eto ang setting ng aking love story. Sheyt! tanghali na... mainit ang paligid, ang iba abala sa pagp-prepare ng food ang iba tamang chismisan at ang iba ay tamang senti sa tabi ng pool syempre dito ako belong. Sa kadahilanang ayoko ng mainit diba at di naman ako marunong magluto... tampisaw ang drama ng lola mo while on my side is one of the most horryfing creature in the planet, Si Cesar (hindi totoong name). Habang nagkakasiyahan ang lahat, busy-busyhan on the other side.. kwentuhan, music trip, laughing trip, chi-chirya trip, borlog trip at kung anik-anik pa.. nanatili ako sa tabi ng pool habang nkikipag kwentuhan sa mga most horryfying creature ng biglang .... napunta sa akin ang atensyon ng halimaw at bigla akong napag-tripan... Kasama na dito ang pagtulak niya sa akin sa pool. Malinis ang pool na may lalim na from 4feet to 6 feet. Marunong ako lumangoy pero dpat na to-touch ko ang sahig pag hindi nag papanik na ako nyan! Oo mga kapatid, tinulak niya ko hindi sa 4 feet.. sa bandang 5 feet pababa ng 6 feet (basta banda roon). Di ko maabot ang sahig kaya gaya ng sabi ko nag panik ang lola mo. Nakuha ko ang atensyon ng mga nagbbusy-busyhan kong mga kabarkada, sumisigaw ako ng help! help! at ang lahat ay nakikita kong tumatawa... mabilis ang mga pangyayari... lumulubog na ako sa ilalaim ng tubig, am terribly drowning! Unti-unti nang pumapasok ang tubig sa mga labi at ilong ko… ‘di nako maka hinga. mukhang wala ng pag-asa dahil tong mga leche kong group of friends e kada tawag ko ng help! Tulong! E lalong nagsisipagtawanan... kala yata e joke ko lang. Halos kalahating minutong ganon ang eksena. Ng biglang... ay may tumalon from far, far away! 'di ko ma sight kung sino since pumapasok na ang mga water sa mga butas ng pes ko. Ay! may kamay sa likod ko, sa batok ko, sa bewang ko. Pilit niya akong inahon at since chubi-chubihan aketch nahirapan ang life saver ko kaya ang ending sa T-shirt niya ko hinawakan. Korek! T-shirt mga ning! (chubby nga kase ko, makikita baby fats ko) Kung iimaginin, nakakita na ba kayo ng pusa na binuhat hawak sa batok? O parang ganun lang ang hawak sa akin. Pero carry na ren.

Sa wakas naiahon niya ko sa lusak... muntik nako dun mga ning! Muntik ng malagot ang hininga ko ng ganun-ganun na lang. Nilapag niya ko sa tabi ng pool, wala pa rin akong makita gawa ng matinding sikat ng araw na nasa kanyang ulunan.. Naidilat ko ang mga mata ko ng biglang may mga labi sa aking labi! Teka ano ito?! (Actually, wala yan! echos in short) Ay! wagi ako mga ning! Si ano pala ang aking life saver (gago kasi si Kerk, shy ako ilagay ang name baka maligaw dito sa LOL e) Itago na lang natin siya sa pangalan na Captain Barbell. Uhuh! Si CB pala eto! May palakpakan may tawanan ng ako ay nagkaroon ng ulirat. May kilig feeling. Di na ako nag thank you, (masyadong kikay at baka di na niya ako ulit sagipin pag nagkataon). At dun na lang nalaman ng mga tropapits ko na hindi pala ako nagjo-joke. Kaya ang tawanan napalitan ng kaba sa mga mukha nila (infairness) Short description lang, si CB hawig ni Richard Gutierez, maputi, athletic, kind sa animals (alam ko nasa utak niyo... 'di ako animal)

Wala akong gusto o CRUSH sa kanya bago pa man ako malunod. Parang ordinaryong lalake lang siya sa paningin ko. At parang nagpasalamat pako sa impaktong adik na tumulak sa akin sa pool. Sinyales pala ito ng magandang simula, simula ng makukulay na araw sa kolehiyo. Simula noon naging tampulan na kami ng tukso. Nahihiya ako sa kanya, as in shy ako pag tinutukso kami. Pero wala naman siyang violent response kundi DEADMA lang. Naging inspirasyon ko siya (ching!). Siya ang naging dahilan ng pagpasok ko everyday. (Kalbaryo ang pagpasok ko since ang bahay ko e nasa Caloocan at ang mahal kong school e nasa Pasay. Kaya nakakatamad talaga no!) So Nanatiling ganon yon hanggang sa nagtapos kami ng college. Ngayon may mga sarili na kaming work, buhay, lovelife...

Hindi diyan nagtatapos ang kwento. At tama nga ako.. 'Di nga dito nagtatapos...


Ng isang umaga, nagbibihis ako sa kwarto namin at ugali ko habang nagbibihis e uminom ng tubig. Wala lang daily routine ko na. Nakalagay ang water dipenser sa harap ng pinto papasok sa aming kwarto. Habang umiinom ako slurp! slurp! slurp!ng bigalng bumukas ang pinto at nangudngud ako sa baso (hindi lang siya baso, isa syang tumbler) good thing hindi nabasag sa pouty nguso ko ang tumbler! kaya for sure maraming laman ang baso. Nalunod ako! Anuvahnamenyhen, nalunod aketch! sabi ko. Ba't kasi nandyaan? sabi ng ka room mate ko. E bakit hindi ako dito ppwesto, e umiinom ako! Sabi ko. Umismid ang lola mong may panis na laway pa sa kanyang kaliwang bunganga. Tama ba yon, magmaldita ka pag nakapag mumog ka na, pwede?! Take note ang kaganapan na eto e 6:00 AM.. as in ganyan ka early may nag tempt sumira ng araw ko. Habang nag lalagay ako ng necktie sa harap ng salamin bigla akong napatingin sa tumbler na halos naubos na ang laman. Napangiti ako, shet! May naalala ko bigla! I remember the boy but I can't remember the feeling anymore... (kayo na bahalang mag konek!) So, mega humming ako for the whole day at na last song syndrome nako with matching smiling face.

Huling balita ko may jowa ever na si CB (mukhang getting stronger ang flavor). Di ko sure pero ganun pa man masaya din ako sa lagay ng aking lovelife… Am sure magkikita kami ulit.. kung kelan diko rin alam.. Since tapos na ang ice age, stone age t-rex age… for sure ‘di naman sa ending ng Hayden-Lolit age no! Naniniwala akong magkikita pa rin kame. Pero iba na ngayon. Di ko alam kung anong magiging reaction ko… anong unang word ang ia-utter ko. Pero may one question pa rin akong dapat e tinanong ko noon pa.. Minahal mo rin ba ako noon? (vehklang-vehklah ang powtahh!)


Guess who and win lots of exciting surprises!

No comments: