Monday, July 7, 2008

Seryosong Usapan

Tumawag pala lola ko sa akin para sa isang seryosong usapan.

Kerk: Helo?
Mah: Helo Kay-an? (tawag yan sa akin ng lola ko) Eto sa'yo ko lang sasabihin 'to, kahit kanino wala pa akong napagsasabihan.
Kerk: ... (walang nasabi, medyo antok pa ako, pero parang seryoso ang sasabihin)
Mah: Ako, wala pa akong lupa, sa'yo ko lang sasabihin 'to. Pagnamatay na ako gusto ko ilibing dito ren sa amin.
Kerk: ... (medyo nawala antok ko pero wala pa ring nasabi)
Mah: Gusto ko kasi dito tanaw lang ung bahay.
Kerk: ... (sa bakuran??? sa tabi ng poso???) Ahh saan ho?
Mah: Dito sa likod, sa Holy Cross! (likod nga pala nila ung holycross cementery) Gusto ko dito ilibing para malapit lang sa bahay. kaya sa'yo ko ito nasabi para alam mo, siguro naman mababalitaan mo naman pag namatay na ako.
Kerk: (Anu ba namang usapan 'to, seryoso ba talaga 'to, isip ng masasabi...) Ah... gusto nyo ho ba i-crimate. I-crimate! Ung hong susunugin, para abo na lang.
Mah: Ayoko non gusto ko sa nitso lang. Sa'yo ko lang sinabi yan kahit sa Mommy mo o sa tita mo di ko sinasabi.
Kerk: (Naku naman baka multuhin pa ako pag nalimutan ko 'to) Ah sige ho.

No comments: