Thursday, June 19, 2008

Freelance Kerk


Male And Female Brains - Ang Pagkakaiba



Funny Lines

"Bakit ba pati ako, binibigyan nyo ng malisya? Ano bang kasalanan ko?!"
- Talong

"Hindi lahat ng malakas, super hero!"
- Putok

"Paano tayo makakabuo kunghindi ako papatong sa iyo?"
- Lego

"Halika, bigyan mo pa ako ng init. Kailangan kong pumutok para ako'y iyong matikman at ika'y masasarapan. Ayan na! Puputok na! Humanda ka!"
- Popcorn

"Kahit papaano, gusto ko din ng exposure!"
- Singit

"Hindi lahat ng kulot, salot!"
- Goldilocks

"Hindi lahat ng bubuyog kulay itim."
- Jollibee

"Alam kong sa tingin mo, masaya ako! Pero bakit kayo ganyan? Sa tuwing wala na kayong masabi, ako na lang ang ginagamit nyo! Pagod na pagod na ako sa pagngiti!"
- Smiley

"Ako na nga ang natatapakan kayo pa ang galit!"
- Tae

"Panakip butas mo lang pala ako!"
- Panty

Thursday, June 5, 2008

Chocolate Flavor

Dear Kerk, Gusto ko lang i-share sa’yong blog at sa mga readers mo ang nakakatuwang karanasan ko sa pagbili ng condom. Nagbibinata pa lang ako kaya naman napaka-curious ko sa mga bagay lalo na sa mga may kinalaman sa sex. Isang araw bigla ko na lang naisip na subukang bumili ng condom, para maranasan ko kung paano ba to gamitin. Inisip ko una kung saan kaya ako makakabibili nito, at kung pagbibilhan ba ako. Kung sa botika naman nakakahiya at sa edad ko mukhang hindi ako pagbibilhan. Kung sasabihin ko naman pinabili lang sa akin ay siguradong hindi maniniwala yung tindera. Talagang nakakahiya pero gusto ko talagang subukang bumili ng condom. Di nagtagal nakapunta ako sa isang malaking grocery. Nakakita ako ng mga condom na sa shelves lang nakalagay. Sa loob loob ko eto na ung chance na makabili ako. Una tinignan ko kung saan ko pedeng bayaran. Maraming counters ung grocery. Tinignan ko ren isa isa kung sinong mga kahera. Lahat ay puro babae. Lalong nakakahiya sabi ko sa sarili ko. Pero nandito na ako at talagang gusto kong makabili. Umisip ako ng paraan. Ano kaya kung bumili pa ako ng ibang mga bibilhin para naman hindi lang condom ang babayaran ko at sa ganon hindi masyadong halata. Kaya naman bumili ako ng mga gamit sa bahay tulad ng asukal, mga noodles, chippy, at kung anu ano pa. Sakto naman na may 200 pesos ako kaya marami-rami ren ang nabili ko, samantalang condom lang talaga gusto kong bilhen. Humanap na ako ng counter na pipilahan ko. Naghanap ako ng babae na mukhang di naman ako tatanungin. Nakakita naman ako. Medyo mahaba ang pila pero ok na sa huli ako pumila. At sa tuwing me susunod sa akin sa pila ay pinapauna ko muna para sa ganon hindi makita yung binili ko. Ayan na ako na susunod. Inilabas ko na ung mga pinamili ko. Sa paglagay ko biglang dumami ung sumunod sa likod ko. Naku inisip ko iwan na lang kaya sa lalagyan at wag ko na bilhen? Pero sayang naman ung pera ko na inipon ko pa ng isang buwan tapos di ko ren mabibili yung gusto ko. Huli ko na lang nilagay at tinakpan ko pa ng mga noodles. Bahala na sabi ko. Pag tinanong ako sasabihin ko hindi aken yon at baka may nakaiwan lang sa lalagyan ko. Bahala na, sana di na lang ako tanungin. Tagaktak na ung pawis ko habang isa isang pinapunch nung kahera ung mga pinamili ko. At huling huli ngang pinanch yung isang kahon ng condom. Ok na sana nang biglang ayaw basahin ng machine ung barcode ng kahon ng condom. Naku po, halos 1 minute nang pinapaikot ikot ung kahon hindi paren mabasa ung code. Lalong akong pinagpawisan. Nilabas ko cellphone ko kunwari magttxt na lang ako para patay malisya. Nagrereklamo na ung nasa likod ko kung bakit ang tagal daw. Sumigaw na yung kahera at may tinawag pinakukuha ng ibang box ng condom. At isinigaw pa. “TRUST CONDOM!!!”, habang winawagayway pa sa ere. tinginan lahat ng mga tao sa paligid ko. Talagang nakakahiya. Inabot pa ng ilang minuto at hindi pa makita nung inutusan kung saan shelves nakalagay. Sabay tanong pa ng kahera, “Boy, san mo ba to nakuha?” Hindi ako makasagot sa hiya. Buti na lang nakita na nung inutusan narinig kong sinigaw na lang nya “ANONG FLAVOR BA?” Lahat na ng tao nakatingin na sa amen. “CHOCOLATE!!!” sigaw ng kahera. Simula noon ay hindi ko na malimutan yon at natatawa na lang ako pag naalala ko ang karanasan kong yon.

Wednesday, June 4, 2008

Mapagmahal Na Magulang

Dear Anak,

Naipadala ko na ang 50-thousand pesos na tuition fee mo, pinagbili na namin ang mga kalabaw natin. Ang mahal pala ng kursong COUNTER STRIKE, wala na din pala tayong baboy naibenta na din para dun sa sinasabi mo na project nyo na NOKIA N75, ang mahal naman ng project nayun. Kasama din ang 7 thousand dun para sa field trip nyo sa MALL OF ASIA, anak malayo ba yun? Mag ingat ka sa pagbibiyahe mo, isasanla palang namin ang palayan natin para mabili mo na yung instrumentong I-POD na kinakailangan mo sa laboratory nyo. Anak komportable kaba dyan sa boarding house mo san ba kamu yan sa VICTORIA COURT ??? - maganda ba dyan? Di ba mainit dyan? Anak kamusta na pala yung group project nyo na SANMIG LIGHT? Napailaw nyo na ba? Mataas ba nakuha nyo na grado dun? Anak sana bago pa maubos ang lahat lahat ng ari arian natin ay maka gradweyt ka na, walong taon ba talaga ang kurso mo sa SECRETARIAL? ?? Sana pag gradweyt mo makakuha ka ng trabaho kaagad kagaya ng manager ng kumpanya para mabawi natin ang mga ari arian nating nasa sanglaan. Ay sya nga pala anak diba sabi mo sa JOLLIBEE / MAK DONALD ka palagi kumakain ok ba naman sayo ang mga ulam dyan? Baka hindi masarap kawawa ka naman. Anak hanggang dito na lang at sa susunod ay ipapadala ko sayo ang pera na pambili mo ng ALTIS na gagamitin mo sa VACANT SUBJECT mo.

Ang nagmamahal,

Itang at Inang

P.S. Anak mag aral ka ng mabuti.

Sex Toy Story