Noong unang panahon maayos na namumuhay ang mga aso at sila ay nagpapangkat-pangkat. Bawat isa ay nagtutulungan sa kanilang pangkat upang makahanap ng pagkain at pinagsasaluhan nila ito bago matapos ang araw. Si Aso 1 ay kabilang sa pangkat A na kinabibilangan nila Aso 2, Aso 3 at Aso 4. Simula noong mga tuta pa lang sila ay magkakasama na sila at nagbabahagian ng pagkain na kanilang nahahanap. Isang araw kinausap ni Aso 2 si Aso 3, "Tol nagtataka ako kay Aso 1, ilang araw na siyang hindi namamahagi ng kanyang mga pagkain sa atin." ang sabi ni Aso 2. "Baka naman wala talaga siyang nakikitang pagkain, nakakaawa naman kung hindi natin siya bibigyan ng nahanap nating pagkain." ang sabi ni Aso 3. Kinabukasan, nasalubong nila Aso 2 at Aso 4 si Aso 1. "Mga 'tol, pasensya na at hindi ako makahanap ng pagkain siguro ay minamalas lang talaga ako, pwede ba akong makikain sa inyo?" sabi ni Aso 1. "Ah ganun ba, oo naman anu pa't magkakapangkat tayo." Pagkalayo ni Aso 1 bumulong si Aso 4 kay Aso 2, "Ano kaya kung sundan natin si Aso 1 para malaman natin ang totoo." Sinundan nila si Aso 1 hanggang makarating sila sa isang liblib na lugar. Nakita nilang naghuhukay sa lupa si Aso 1 at nagulat sila ng makita nilang may tinatagong mga buto at mga pagkain si Aso 1. Dali dali silang umalis at pumunta sa diyos ng mga aso para sabihin ang kanilang nakita. Pinatawag si Aso 1 at pinaharap sa diyos ng mga aso. "Ikaw Aso 1 ay paparusahan ko dahil sa pagiging mapagsarili mo at pagiging madamot. Simula ngayon ay wala ka ng pangkat at wala ng magpapasali sa iyong mga pangkat ng mga aso. Ang utot mo ay magiging mabaho ngunit walang tunog, yan ang magiging palatandaan mo at wala ka ng magiging kaibigan.
At simula noon ay mag isa na si Aso 1 at sa tuwing magkakaroon ng bagong miyembro sa isang pangkat ng aso ay ugali na nilang amuyin muna ang pwetan ng isang aso bago ito isali sa kanilang pangkat.
At simula noon ay mag isa na si Aso 1 at sa tuwing magkakaroon ng bagong miyembro sa isang pangkat ng aso ay ugali na nilang amuyin muna ang pwetan ng isang aso bago ito isali sa kanilang pangkat.
No comments:
Post a Comment